Si Hector ay nakatayo sa terrace ng kanilang kwarto nang dumating si Irish...
Biglang kinondisyon na ni Hector ang kanyang sarili na umiyak upang ipakita ito sa kanyang asawa..
Irish: Darling? Umiiyak ka?
Tahimik lang si Hector na panay singhot kunwari sa kanyang ilong...
Irish: Darling ayos lang yan... Best friend mo siya eh.. Wala naman masama umamin na namimiss mo siya...
Hector: hon.. *umiiyak si Hector
Irish: shhh.. Di mo kailangan magsalita... Iiyak mo langg...
At tinatapik ni Irish ang likod ni Hector..
Irish: Siya nga pala nagtanong si Carol about Roberto...
Natigil si Hector at hinarap si Irish..
Hector: Ano sinabi mo?
Irish: Well, syempre na best friends kayo.
Hector: Anu pa?
Irish: Na ayon.. Patay na siya ganyan..
Hector: Yung anak nila nabanggit mo?
...............Nakahiga si Carol sa kwarto niya at nag iisip ng malalim... Inaalala ang pinag usapan nila kanina ng kanyang mommyy..
FLASHBACK***
Carol: Ano po pinag awayan nila?
Irish: Ahmm.. Dahil sa may kabit si Elena.. Ayun ang sabi ng pulis..
Naiirita na si Irish sa mga tuloy tuloy na tanong ni Carol.
Carol: may anak po sila?
Irish: Hay naku Carol, si daddy mo nalang tanungin mo dyan. Nahihilo ako sa mga tanong niyo!Balik sa hinaharap... Nakahiga pa rin si Carol.. At tila may nag uudyok sa kanya para alamin ang lahat..
May kumatok..
Pumasok si yaya Badeth at may dalang gatas..
Badeth: Inumin mo to ha.
Carol: Opo yaya palagay nalang po sa mesa.
Napansin ni Yaya Badeth na tila tuliro si Carol.. Kaya tinanong niya ito..
Badeth: Okay ka lang ba Carol? Meron ka na ba? Masakit ba puson mo?
Carol: Ay hindi po yaya.. Haha okay lang po ako..
Papalabas na sana si Yaya Badeth ng kwarto ngunit hindi mapigilan ni Carol ang kanyang kyuryosidad...
Carol: YAYA? ahhhmm may kilala po kayong Roberto?
Yaya Badeth: Oh?? Oo bakit?
Biglang nabuhayan si Carol sa mga sinabi ni Yaya Badeth dahil umaasa siya na sa wakas ay may pupunan na ng mga katanungan na meron siya..
Biglang sumimangot si Yaya Badeth.
Yaya Badeth: hayyyyy.. Si Roberto.. Manliligaw ko yun sa probinsya paano mo nakilala?
Carol: po?? Nanligaw po sa inyo yun?
Yaya Badeth: Oo naman... Kulit nga non.. Siya pinakamatagal kong manliligaw.. Binasted ko.. Ngayon may pamilya na siya...
Carol: Ha.. Ay opo!
Badeth: Yesss.. May anak na siya..
Carol: Ahhh!! May anak po pala siya
Badeth: Kaya lang yung asawa niya nagkaroon ng kabit!
Namangha si Carol dahil sa mga sinasabi ni Yaya Badeth napagdugtong dugtong nya ang kwento..
Carol: Hala totoo pala.. Nagkaroon talaga siya ng kabit..
Badeth: Oo naman nohh. Pero sa dulo nagkabati rin sila balita ko ngayon lima na anak nila
****Biglang naguluhan si Carol
Carol: Ehhh.. Patay na raw po siya sabi ni Mommy?
Badeth: Ha? Hindi ah!!!! Si Ma'am talaga.. May galit yun si ma'am dun kasi alam nya storya ko....May sandaling katahimikan...
Napapalo si Yaya Badeth sa kanyang noo at sinabing.
Badeth: Ay! Iba palang Roberto nabanggit ko Carol!Nadismaya si Carol at biglang nagtalukbong ng kumot... Nilapitan siya ni Badeth at sinabing
Badeth: pero kilala ko na yung tinutukoy mo!! Si Sir Roberto hindi ba? Doctor siya! Siya ang Best friend ni sir hindi ba?
Biglang tinanggal ni Carol ang kumot na bumalot sa kanya at sabay ngumiti...
Badeth: Halika.. May papakita ako sayo
Sinabi ni yaya Badeth nang nakangiti..Itutuloy....
