Ika-7 ng Marso 2011
Kinabukasan kumakain sina Irish ng umagahan, bumaba sina Carol at Luke at handa nang pumasok sa school.
Irish: Kain na Luke.... Oh? Carol? Ang bagal mo maglakad, umupo ka na at kumain.... Ate Nida? Yung mga baon ng bata?
Nida: Yes Ma'am.. Nilagay ko na po sa bag nila.
Irish: Ok..
Luke: Mommy asaan po si daddy?
Irish: Kaalis lang, pumunta ng Batangas
Luke: ano daw po meron mo mommy?
Irish: May business meeting doon sila nagmeet ng bagong investor sa kumpanya.
Kumakain sila at sandaling dumating ang kanilang hardinero.
Mang Luiz: Ma'am andito na po ang service.
Tumingin si Irish sa orasan at nakitang 6:30 palang
Irish: Bakit maaga sila? Mamaya pang 6:45 dating niyan ah
Mang Luiz: Opo kaya lang nagbago po ata sila ng sched.
Irish: Bumalik ka roon at sabihing mag antay siya.
Matapos ang sampung minuto.. Lumabas sila Irish kasama si Carol at Luke.. At inihatid ito sa labas
Irish: Oh manong driver... Mas maaga kami ng 5 minuto..
Driver: actually ma'am...
Irish: Ah oo.. Bukas na kami susunod sa change schedule ha? Bigla bigla naman kasi kayong nagbabago... Ha ha ha... O siya goodbye Carol... Muahh.. Goodbye Luke Anak!
Sinabi ito ni Irish ng may pagkukunware... Dahil gusto nga niyang maging mabait sa panlabas...Sa school...
Teacher: Ito ang resulta ng inyong NCAE... basahin niyong maigi at ayan ang maging gabay niyo sa pagpili ng kurso.
Abril, Daniel.... Adriatico, Shiela.. Aguilar, Reynaldo..
Hanggang sa nabanggit ang pangalan ni Carol..
Teacher: Fernandez, Carol...
Tumayo at kinuha ni Carol ang resulta at nakita niya ang Military and Law Enforcement, Architecture, at Construction at Spiritual Vocation ang lumabas na may mataas na porsyento na maari niyang kuning kurso sa kolehiyo.
Carol: Hmmm.. Police? Architect at Pastor...?
Ngumiti siyang bahagya at natawa lalo na sa pagiging pastor raw..
Natapos magtawag ang kanilang guro at may mahinang boses na kumausap kay Carol..
Girl1: carol! Ano resulta sayo? Ako raw ay magiging Marine Biologist at Dentista
Girl2: Hmm oo nga ano sayo? Rinig ko si Leticia Fashion Designer daw.
Girl1: Hayaan mo yan si Leticia noh...
Ang unang babae ay si Bea Castillo at ang isa ay si Jadie Manalastas. Sila ay mga kaibigan ni Carol.
Carol: marami rin.. Pero yung pangarap kong kurso ang andito!
Nagtinginan sila Bea at Jadie at sinabing..
"Architecture??"
Teacher: Anong ingay yan?
Kababalik lang ng Teacher nila na sandaling lumabas..
Teacher: Ok, next week ang inyong 4th periodic tests.
Class: Ughhh!!!
Teacher: Mag aral na kayo ng mabuti dahil 4th yr High School na kayo, kailangan niyo ng pagbutihin.. Ok see you tomorrow..
Umalis na ang kanilang homeroom teacher o advicer at biglang nag ingay na ang klase.
Jadie: Carol!! Pwede ba patulong sa Math at Physics?
Carol: Ok sige, sa Library tayo... Ikaw Bea?
Bea: Hmmm uwi na ako Carol ehhh kayo nalang.
Carol: Bea pwede ba patext ako naiwan ko kasi cellphone ko.
Bea: Ok
Carol: Naku!! Di ko pala memorized number ni mommy.
Bea: Don't worry dadaan nalang ako sainyo at ipapaalam ka.
Carol: Salamat Bea ha..
Alas dos natatapos ang klase nila Carol at sila'y dumiretso sa Library at nag aral...
Ala singko sila natapos mag review...Sa Mansyon nila Carol...
Irish: Asaan na yung Carol na yun??!
Tinatawagan ito ni Irish...6:30 na ng gabi at wala pa si Carol..
Itutuloy
