Chapter 37 - Pressured

13 0 0
                                    

Dumaan ang 8 taon..

Natapos si Carol sa kanyang pag-aaral sa kursong Psychology at nag aral sa Law school matapos ang kanyang pag aaral sa kolehiyo.. Naghahanda na siya para sa kanyang parating na Bar Exam.. Dahil ilang araw nalang mag uumpisa na ang kanilang Bar examination...

Ika- 26 ng Oktubre 2019
Sa living room... Ala sais ng gabi... Nanonood si Irish ng Tv..
News:... Highly regarded as one of the most difficult board exams in the Philippines, the Philippine Bar Examination is frequently one of the most highly-covered exams in the country. It attracts more than 5,000 aspiring lawyers to date - a number that continues to escalate after each passing year. The exam will take place on Nov. 6, 13, 20 and 27...

Kakatapos lang din ng Review ni Carol ng araw na yaon.. Ayon sa kanilang Exam sa Review Center nila.. Si Carol ay may tyansang pumasa sa exam.. Dahil doon ay nagkakaroon sila ng Exam upang alamin kung kakasa na ba sila Sa Bar Exam. Ang mga kasama ni Carol sa Review nila ay kadalasan mas matatanda na sa kanya.. Kakaunti lang ang mga ka edaran niya.. May iilan ilan na repeater o kaya yung mga taong uulit ng exam at aasang sa pagkakataong yun ay papasa na sila...
Umuwi si Carol ng pagod .. Naabutan niya si Irish sa sala na nanonood..

Carol: hi mommy..
Irish: Oh Carol... Kumusta? Ano raw sabi doon sa resulta ng exam niyo?
Pinakita ni Carol ang papel.
Irish: Aba!! Magaling anak.... Ganto rin sana ha?? Alam kong tataasan mo pa ito.
Ngumiti lang si Carol at kita ang pagod sa kanyang mukha
Irish: Kumain ka na anak.. Ay wait Carol bago ka kumain.. pwede ba paki tawagan si Luke hindi pa bumabalik yon eh.. Galing yun ng mall.. Sembreak na kasi. Ayan gumala muna.
Sinunod naman ni Carol ang utos at tumawag kay Luke...

Trrrrttt... Trrrrrt... Toot toot tooot..
Inulit muli ni Carol tawagan si Luke.
Trrrrrrtttt... Trrrrrttt... trrrttt... Tooot tooot.. Toot...
At sa huling beses....
The subscriber cannot be reached please try again later... The subscriber...
Pinatay na ni Carol ang call at tinext si Luke

MESSAGE
"Asaan ka na? Umuwi ka na! "

Carol: Mommy.. Pinapatayan ako ng call ni Luke.. Ayaw nya sagutin.
Irish: Naku. Lagot talaga sakin yang bata na yan. Sige na kumain ka na.

Pagtapos kumain ni Carol.. Ay umakyat na siya sa kanyang Kwarto.. Humiga siya sa kanyang kama at nakatulala sa kisame.... Biglang may kumatok...
At ito pala ay si Hector...

Hector: Kumusta ang aming future lawyer?
Carol: Ohh Hi daddy..
Hector: Malungkot ka ba?
Carol: Di po daddy.. Pagod lang po..
Hector: Anak sa November 6 na exam niyo. Kinakabahan ka ba?
Carol: Opo daddy sobra.. Magagaling po ang aking mga kasama sa review center.. Kinakabahan din po ako.
Hector: Nakuuu. Kayang kaya mo yan! Ikaw pa.. Valedictorian na nga nung High school.. Laude pa ng college!
Carol: opo daddy.. Kaya nga lalo akong nappressure. Paano daddy pag hindi ako nakapa---
May tumawag kay Hector.....

Kringgg kringgg...
Hector: teka Carol.. I have to take this call.. And this may take a while..
Umalis si Hector at naiwan si Carol sa kanyang kwarto..

May tumawag rin sa Cellphone ni Carol.. Sinagot ito ni Carol... At ito ay si Jadie.

Jadie: Carol?? Kumusta?
Carol: Oh.. Jadie.. Okay lang. Pagod na pagod ang utak ko.
Jadie: Hala ka. Wag kang mag alala kayang kaya mo yan! AKO nga kinakabahan sa resulta ng LET.. Hayyy
Carol: Pasado ka na Jadie.. Maniwala ka.
Jadie: Naku may mga hindi nga ako sure na sagot hayyy...
.................
Jadie: Carol? Umiiyak ka???
Tahimik si Carol.... Sinara at nilock nya ang kanyang pinto at umiyak...
Jadie: Carol? Bakit??
Carol: Nappressure ako Jadie..
Jadie: Bakit?? Sino?
Carol: Si mommy.... Inaasahan talaga niya na papasa ako.. Si daddy rin.. Paulit ulit niya akong tinatawag na Future Lawyer.. Nakakastress... Paano nalang kung hindi ako maka pasa diba??
Jadie: Hindi yan Carol.. Pinapalakas lang nila loob mo.. At saka makapasa ka man o hindi.. Mahal ka nila.. Dahil anak ka nila diba? Kausapin mo sila...
Umiiyak pa rin si Carol..
Carol: Di ko alam kung handa na ba ako sa Bar...
Jadie: basta.. Huwag ka mastress... Kaya mo yan.. Pray ka lang. At saka magpahinga ka na pahingahin mo na utak mo. Mag relax ka na.
Carol: Hindi... Kailangan ko pa aralin maigi ang Remedial Law... Ngayong gabi.
Jadie: Naku Carol.. Pahinga ka muna kaya..
Carol: Sige na Jadie.. Salamat ha... Maghihilamos na ako at mag aaral.
Jadie: Hays. Bukas bisitahin ka namin ni Bea ha?? Wala naman akong gagawin bukas.
Carol: Oo sige Jadie.. Salamat ha..

*END CALL*

Alas dyis ng gabi.. Nakatulog na si Carol sa kanyang desk kakaaral... Nang nagising siya dahil may narinig siyang tunog mula sa baba.... Dumungaw siya sa bintana....

Itutuloy..

Sa Likod Ng Mga LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon