Carol: Nung gabing yon... Nag uusap sila daddy at mommy sa baba..
Irish: kailan mo ba sasabihin ang totoo?
Hector: hindi pa sa ngayon Irish
Irish: Kailangan niya nang malaman!
Hector: Huwag kang maingay baka marinig niya tayo.Lumabas ng kwarto si Carol at papunta na sa hagdan... Natigil siya sa pag yapak nang marinig niya ng maigi ang usapan.. Rinig niya ang usapan dahil tila umaalingawngaw ang kanilang tinig.
Hector: balak ko ngang itago nalang ito habang buhay
Irish: Ano?? Dapat malaman niya na para lumugar siya dito sa mansyon at huwag siyang mag feeling prinsesa rito dahil hindi natin siya anak.
Hector: Manahimik ka.!Bumalik si Carol sa kwarto niya at narinig nila Hector ang isang tunog ng paa..
Sinilip ito ni Irish... At sinabing walang tao... Pinuntahan nila si Carol sa kwarto at ito ayyy natutulog..Pag labas nila Hector ng kwarto.. Umiyak si Carol at maraming tanong ang kanyang naiisip.. "Sino ang tunay kong magulang?" "Saan ako napulot??" "saan ako galing?"
Kinaumagahan... Narinig ni Carol ang masayang tugtog... Sumasayaw si Irish kasama si Hector at masaya sila.. Naisip tuloy ni Carol na... Palalayasin na kaya siya? Dahil nga sa narinig niya kagabi..
Nida: Congrats ma'am and sir!!
Hector: salamat Ate Nida..
Nakita ni Hector si Carol sa hagdan
Hector: Carol anak! Halika
Bumaba si Carol... At tila nahihiya
Hector: Magkakaroon ka na ng kapatid!
Irish: Hay naku.. Wag mo ako maistress Carol at maselan mag buntis...Biglang nagsuka suka si Irish at sinundan siya ni Hector.
Carol: Dumaan ang mga buwan.. Lumaki na ang tyan ni mommy.. Dumaan ang pasko.. Dumaan ang bagong taon at ang araw ng mga puso...
Sumapit na ang buwan ng Marso.. Naghahanda na ang lahat.. Ang kwarto ng aking magiging kapatid ay naiayos na, ang mga laruan, crib at damit nito ay nabili na.. Inaantay na nila ang pagdating niya..
Isang umaga. Nagising ako dahil sa amoy ng mga lutong pagkain, sa mga cake na kanilang niluto.. Para raw ito sa selebrasyon dahil ngayong tanghali uuwi na sila mommy at daddy
Ika-9 ng Marso taong 2003.. Isinilang siya.. 7 taon ang aking tanda sa kanya.Dumating sina Hector at Irish dala ang lalaking sanggol.. At ito'y tinawag nilang si Luke.. Sila'y kumain at nag saya habang si Irish ay nagpahinga... Maraming bisita ang dumating at lahat sila ay natutuwa sa pagdating ng bata...
Itutuloy...
