Chapter 31 - Ang Ehemplo Ni Irish

12 0 0
                                    

Habang nasa kotse.. Nagulat si Irish sa kanyang inasal.. Iniisip niya.. Paano niya nagawa na ipagtanggol si Carol.. Nagulat siya dahil mayroon pala siyang konting pagmamahal para kay Carol.
Driver: Ma'am.. Ang galing nito po ah.. Pinagtanggol niyo po si Carol..
Umismid lang si Irish.. At dumungaw sa labas.
.........

Pag kauwi ni Carol at Luke.. Hinanap ni Carol si Irish
Carol: Aling Nida.. Nasaan po si mommy?
Nida: Ahh naku Carol umalis.. Di pa bumabalik..
Carol: Okay po..
Nida: Teka Carol... Alam mo ba kaninang umaga..
Biglang naging curious tuloy si Carol..
Nida: medyo naririnig ko si ma'am na may kausap sa taas..
Carol: Po?
Nida: Oo.. Pero wala naman siyang kausap.. Kinilabutan talaga ako! Parang may inaaway siya ehh sabi niya "Magsorry ka sa anak ko!" di ko alam kung nagbabasa ba si ma'am ng mga nobela oh ano..
Carol: Ohhh. Aling Nida.. Alam niyo ba kung saan pumunta si Mommy?
Nida: Oh hindi nga eh..
Carol: Pumunta po siya sa school..
At kwinento ni Carol ang nangyare kina Aling Nida at ibang kasambahay..

Gabi na at narinig rin ni Hector ang nangyare.. Sila ay nasa kwarto nila
Hector: Ano?? Sinaktan ng anak ni Mr. Ramirez ang Carol ko??
Galit na galit si Hector
Irish: Oo.. Hay naku kaya binigyan ko ng lesson.
Hector: Oo tama yun Darling! Mabuti pa nga sana pinull out na natin ang scholarship!!!
Irish: We will pull it out.. Once Carol graduates.. Okay?
Hector: Loko pala yang anak niya eh..
Irish: Don't worry pinahiya ko na siya kanina..
Hector: Darling...
Irish: Ohhh.
Hector: salamat
Irish: Wala yun.. Kahit sino naman magagalit.
Hector: Wowww! Nagiging nanay ka na kay Carol ahh.. I like that..
Irish: Hay naku... Alam mo naman storya ko diba... Kaya nung nalaman ko yun naalala ko ang nakaraan ko... Kelangan talaga maturuan ng leksyon ang mga manloloko ano? Pati sinungaling... Lalo na pag mamamatay tao! Naku Buti pa ikaw darling ano? Perpektong asawa ka talagaaaa. I love you!
Niyakap ni Irish si Hector... Tila nagbago ang mukha ni Hector nang binanggit ito ni Irish.. Naisip niya ang ginawa niya sa mga taong pinatay niya...

Hector: Ahmm bukas pala Irish.. Ahmm mag oovertime ako ah. Bukas ang monthly meeting ko sa mga partners ko..
Irish: Ahh oo nga Last Friday na tomorrow.. Okay darling.. Tara na tulog na tayo..

Humiga sila sa kama at nagkumot.. Pinatay ni Irish ang ilaw sa mamahalin nilang lampara at yumakap kay Hector...
Irish: darling...
Hector: Oh?
Irish: Bakit mo ako tinulungan noon?
Hector: kelan?
Irish: yung niligtas moko kay Restituto.
Hector: ahhh.. Ayoko kasi ng may naaapi...
Irish: eh bakit moko hinabol at pinahiram ng payong?
Hector: Eh.. Naawa ako sayo eh.
Irish: Weh. Well.. Sayo ko natutunan yun darling.
Hector: alin?
Nananatiling nakayakap si Irish kay Hector..
Irish: Ang ipagtanggol ang mga taong niloko.. Pinaglaruan... Kaya ganon din ginawa ko.. Goodnight darling.. Antok na ako...

Pumikit na si Irish... Kalaunan ay nakatulog na rin si Hector..

...........
Taong 1983...
Sa isang maaraw na hapon. Naglalakad sina Roberto at Hector sa isang Street sa Malate, Maynila..
Roberto: Alam mo Hector, tumigil ka na sa pagiging palikero mo.. Di mabuti yan...
Mainit noon at sinabi rin ni Roberto..
Roberto :Teka magpayong nga tayo.. buksan mo yang payong mo
Nagsasalita si Hector habang binubuksan ang payong...
Hector: Huwag kang mag alala.. Magbabago rin ako.. Pag nahanap ko na ang babaeng magbabago sa buhay ko.
Roberto: Ang mga babae hindi dapat sinasaktan..
Nakikinig lamang si Hector...
Roberto: Pag sa'yo kaya ginawa ang ganon matutuwa ka ba? Syempre hindi!
Hector: Ang totoo nyan Roberto may babae akong gusto ko sa ngayon...
Roberto: Oh? Nung isang araw may gusto ka rin ah.
Hector: Pare! TOTOO na to. Maniwala ka.. Madalas ko siyang makita dito sa Malate... Namamalengke siya.. Marami siyang dalang gulay at karne.. Maganda siya pre..
Roberto: Tapos?
Hector: Kaya lang nakita ko isang araw may kasama siyang lalaki.. Mukhang palikero pre.. Halata ko... Aba syempre alam ko ang mga kauri ko.. Hahaha
Nagtawanan sila ni Roberto....
Nakita bigla ni Hector ang babaeng tinutukoy niya.. Napatigil sa pag lalakad si Hector at kinalabit si Roberto..
Hector: Uy pre ayun siya!!
Tumakbo si Hector kaya sinundan din siya ni Roberto... Sinundan nila ang babae.. Napansin nila na may hinabol din itong lalaki at babae...

Nakita nila na umiiyak na ang babaeng gusto ni Hector at sumugod sa eksena...
Hindi napigilan ni Hector at siya'y sumugod....

Itutuloy..

Sa Likod Ng Mga LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon