Dumungaw sa bintana si Carol.. At nakita si Mang Luiz na natabig lamang ang kanilang trash can.. Babalik na sana si Carol sa kanyang desk nang biglang dumating na si Luke.. Nakita niyang pinagbuksan siya ni Mang Luiz... Galit si Carol kay Luke dahil gabi na at kakauwi lang nito... Kaya lang napag isipan nalang ni Carol na sa umaga nalang ito kausapin... Kaya naman bumalik na sa desk si Carol at nagbasa...
Kinabukasan.... Kumakain ang mag anak ng umagahan..
Irish: Ano oras ka umuwi Luke ha?
Di sumasagot si Luke..
Hector: Sumagot ka Luke. Anong oras ka umuwi?
Luke: Mga.. 9PM po..
Carol: 10PM......10pm ka umuwi..
Nagulat si Luke sa sinabi ng kanyang ate..
Carol: lampas 10PM ka nakauwi at nakita kita.
Hector: Ano? Ikaw Luke ha?? Ang ate mo kahit kelan hindi ganyang oras umuwi. Anong ginawa mo ha?
Tumigil sa pagkain si Luke..
Hector: Ano?? Bakit late ka na umuwi kagabi?
Irish: Tama na Hector. Ako na kakausap...
Biglang umalis si Luke sa kanyang Upuan... At umakyat sa kanyang kwarto
Hector: Luke? Bumalik ka rito!
Hindi bumalik si Luke at ito naman ay sinundan ni Irish.Sinundan ni Irish si Luke sa kanyang kwarto
Irish: Luke?? Hindi ba at kumakain tayo? Bakit mo kami inalisan ha?
Hindi sumasagot si Luke at nakatalikod lang kay Irish.
Irish: Sumagot ka! Ano oras ka talaga umuwi ha??
Humarap si Luke at tumingin kay Irish
Luke: 9PM nga po mommy!
Irish: Bakit sinabi ng ate mo ay 10PM ka umuwi?? Kahit kelan ang ate mo hindi ganyan umuwi!!
Hindi makasagot si Luke.
Irish: Magsabi ka nga ng totoo ha.. Ang ate mo hindi nagsisinungaling yan kahit kelan hindi nagsinungaling sa amin yan..
Kumukunot ang noo ni Luke at masama ang kanyang tingin..
Luke: Ah talaga?? Nagsinungaling na kaya si ate! HA?? noon? Nung sinabi niya na naglibrary siya.. Ay pumunta siya ng mall!!
Irish: Ano? Dati na yan. At kung nangyare man yan ay tapos na yan. Ang pinag uusapan natin di---
Luke: Edi nagsinungaling nga rin siya oh diba???
Irish: Ano ba Luke?? O sige ngayon sino sainyo nagsisinungaling. Gusto niyo ipagharap ko kayo??
Luke: Bakit ba paborito niyo si ate? Akala ko ba ako ang paborito niyo!
Irish: Aba? Wala kaming paborito Luke.. Alam mo yan
Sumisigaw na si Luke at umiiyak
Luke: hindi!! Porket hindi ako top 1 ganon??
Dumating bigla si Hector at sinampal si Luke..
Hector: Tumigil ka na. Kelan ka pa natutong sumagot sa mommy mo?
Asa likod lamang si Carol at dismayado kay Luke...
Hector: Carol... Sino pa makapagsasabi na lampas 10PM siya dumating??
Carol: Ahmm.. Si Mang Luiz po...
Pinatawag si Mang Luiz at nalaman nila na nagsasabi ng totoo si Carol.Sumama ang loob ni Luke kay Carol dahil sa loob ng walong taon, si Carol ay nagkaroon ng magandang pabor mula sa kanyang mga magulang.
Nagtapos si Carol sa Kanyang kurso bilang Summa Cumlaude, at ngayon naman ay pumasok pa ng Law School. Samantalang Si Luke ay magtatapos na ng 4th Year High School ngunit mabababa na ang kanyang mga grado.
