Jadie: Dali!!!! Sakay na.... Bagal mo Bea....
Tumakbo si Bea na nahuling nakasakay ng Jeep...
Nakasakay na silang apat at dumudukot na ng pamasahe...
Carol: Ako na... Libre ko na..
Bea: Wow thanks Carol..
Nakarating sila sa Mall at naglibot libot muna...
Jadie: Nakuuu ang ganda ng dress!! Kaya lang P449.50 mahal naman... Wala ako pera.
Bea: Mag ipon ka kase puro ka lamon.
Jadie: Hoyyy ano ka.. Ha??... Hmphhhh
Nakita ni Bea ang isang sapatos
Bea: Hala.. Ate may size 7 ba kayo neto?tumango ang Sales lady at binigay ang size na gusto ni Bea.
Saleslady: Yan po ay P899.. May pera ka ba?
Nainis si Bea at tumingin sa saleslady
Bea: Meron akong pera!! Di ko lang dala... Hmphhh Tara na nga Jadie...Hinawakan niya si Jadie sa braso at naglakad palabas ng stall.. Sina Carol at Harold ay asa labas ng stall na hindi nag iimikan. Biglang labas nila Jadie at Bea...
Carol: Oh?? Bakit inis ka Bea?
Bea: Yung saleslady kasi.... Akala niya ha.. Balang araw makakabili rin ako ng sapatos... Mas marami pa!
***Tumawa si Jadie
Jadie: Hahahahah! Ikaw rin pala Bea wala pera blehhh...
Dinilaan ni Jadie si Bea.. Nagkulitan ang dalawa at si Carol naman ay tumatawa at inaawat sila.. Si Harold naman ay nakatingin kay Carol at humahanga sa kanyang matatamis na ngiti at nakakahawang halakhak...Carol: Oh Tara... Pasok uli tayo don..
Bea: Ano? Ayoko na no... Hmphhhh
Carol: Tara na... Ako magbabayad...
Sabay ngiti ni Carol.
Bea: Talaga??! Salamat Carol
Jadie: Hala Carol ako rin!! May gusto akong dress doon.. Kaya lang P999 eh
Bea: HOY ano ka P449.50 lang yung natipuan mo ron.
Carol: O sige Jadie.. Tara bilhin natin ang gusto mo... Ikaw Harold may gusto ka ba??
Hindi makaimik si Harold.. At inulit ni Carol ang tanong "Ikaw Harold ano gusto mo?"
Harold: Ikaw...
Carol: ha??
Natauhan si Harold.. Nagulat siya sa sinabi nya buti mahina ang kanyang pagkasabi neto at maingay ang paligid..
Harold: Ahh wala.. Ok lang.
Jadie: Hiya ka pa Harold...
Tinitigan ni Carol si Harold... Si Harold naman ay napalunok at kinabahan dahil eye to eye sila ni Carol...
Carol: Alam ko na.. Mamaya may pupuntahan tayong store... Pero bago yun bilhin muna natin ang gusto nila Jadie...
Masayang masaya sina Jadie at Bea na naunang pumasok sa store..si Harold naman ay medyo nahihiya at pinagpapawisan dahilan sa mga titig ni Carol...
Pagpasok nila.. Tinanong muli ni Bea ang saleslady na kung asaan na ang Sapatos na size 7 at sinabi ng saleslady na tinago na nila ito... Pilit na pinapakuha ito ni Bea at sinabing "May pera na akong pambili!" sabay pakita ng asul na pera sa saleslady... Dali dali namang kinuha ito ng saleslady...Masaya na lumabas ng store na yun ang magkakaibigan at nagtatawanan pa..
Naalala ni Carol ang kanyang ililibre para kay Harold.. Pumunta sila sa isang tindahan ng mga sumbrero...
Carol: Pili ka lang dyan Harold...
Sabay ngiti ni Carol..
Nahiya hiya pa si Harold ngunit nang makita niya ang isang cap.. Siya ay napapunta roon at sinukat ang cap sa kanyang ulo.
Saleslady: Ahm. P1199 lang yan.
Napalunok si Harold at binalik ang cap... Pinuntahan niya si Carol at sinabing..
Harold: Wag na Carol mamahalin ang mga sumbrero.. Mayroon naman sa Divisoria eh.. Mura pa..
Bea: Kayang bilhin yan ni Carol! Huwag ka ng mahiya..
Jadie: Nung birthday nga ni Luke dami dami mong kinain di ka nahiya.. Ngayon ka pa nahiya.
Pang aasar ng dalawa...
Sa wakas pinili ni Harold ang napusuan niyang cap at binili ito ni Carol sa kanya....Kumain sila sa isang Fast food.. Sagot din ni Carol ito.. Medyo nahiya na rin sila Bea dahil sa dami ng kanilang inorder...
Carol: Ayos lang ito... Ito na yung graduation gift ko sainyo.. At saka ngayon ko lang rin naman kayo malilibre kasi halos buong school year ay puro aral uwi ako hehe..
Bea: Salamat Carol ha.. Iingatan ko tong sapatos.. Pag nasira to papaayos ko!!
Jadie: Ako naman Carol.. Kahit kalakihan ko tong dress na to.. Hinding hindi ko to papamigay sa kapatid ko..!!
Natutuwa naman si Carol sa kanyang mga naririnig... Biglang umiyak si Jadie... At Bea...
Jadie: Carol.... Huhuhu mamimiss kita....
Bea: Carol... Ako rin mamimiss ko kayo..
Napapaiyak na rin si Carol....
Carol: Naku.. Wag na kayo umiyak haha... Nahahawa tuloy ako.. Sa Martes na tayo umiyak! Wag ngayon.. Dapat maging masaya lang tayo....Masaya silang kumain at naglibot pa ng konti.. Nang napansin nila na pagabi na.. Saka sila nag hiwa hiwalay...
May dinudukot si Harold sa kanyang bag... Ngunit nakasakay na si Carol... Ibibigay niya sana ito kay Carol... Ngunit hindi siya nakahanap ng tyempo habang sila ay nasa mall... Nakaalis na si Jadie at Carol.. Kinausap ni Bea si Harold..Bea: May crush ka kay Carol no?
Nagulat si Harold sa sinabi ni Bea.... At siya'y di makasagot..Itutuloy...
