Dumating si Irish sa kanilang bahay ng basang basa... Mahirap lamang sina Irish.. At pinapangarap ng nanay niya na makapag asawa siya ng mayaman... Wala na ang kanyang tatay.. At tanging silang 3 magkakapatid ang kasama ng kanyang ina... Bilang panganay may pangarap si Irish na maghanap ng mayamang mapapangasawa..
Umupo siya sa kanilang upuan at pagod na pagod siya.. Alas otso na siya ng gabi nakauwi noong panahong yun. Inilagay niya ang payong sa labas ng pinto at nagpahinga...
Nanay ni Irish: Pambihira ka Irish??! Magpalit ka na ng damit! Ayy maligo ka muna!!
Galit na galit ang kanyang nanay na hinahampas siya dahil nabasa na rin ang kanilang upuan at lapag dahil siya ay naulanan..
Nanay ni Irish: Saan ka galing ha?? At kanino itong payong ha?
Pagkakita niya sa payong binasa niya ito.
Nanay: Hector?? Sino si Hector ha????
Hindi umimiimik si Irish..
Nanay: Sagutin mo ko! Kaya ka ba gabi na umuuwi ha? Dahil may kasintahan ka na?? Sumagot ka!
Irish: Hindi po nanay!!!
Umiyak si Irish at biglang umalis at dumiretso ng banyo...
Naalala ni Irish ang lahat... Iyak siya nang iyak dahil sa sakit na naramdaman niya.. Ngunit tahimik at nagpipigil siyang umiiyak dahilan na maririnig siya ng nanay at mga kapatid niya...
Irish: Sinusumpa ko.. Tatapatan ko yang si Lory...hindi...mas hihigitan ko siya!!! Magiging MAGANDA ako! Magiging pala ayos na ako.. Hindi ko nalang alam kung hindi ka magsisi....restituto..
Galit na ang naramdaman ni Irish nung panahon na yun... At mula nong araw na yun si Irish ay nagbago... Nag ayos ng buhok, nag lagay ng lipstick, nagkilay at nagsuot ng magagandang damit. Kahit paulit ulit lang ang damit niya.. Masaya siya dahil napapansin na siya ng mga lalaki.Ang payong ng lalaking tumulong sa kanya nung araw na yun ay itinabi niya malapit sa pinto at araw araw niya itong nakikita at pinagmamasdan ang pangalang Hector... Pala isipan sa kanya kung sino ang lalaking iyon at bakit siya nito tinulungan nung araw na nalaman niyang niloko lang siya ni Restituto...
Bumalik itong lahat kay Irish nang marinig niya ang kwento ni Carol...
Galit na galit siya sa lalaking nanloko kay Carol..Ika-24 ng Marso 2011
Kinabukasan... Araw ng Huwebes... Pumasok na sina Carol at Luke..malapit na ang kani kanilang Recognition at Graduation.. Kaya naman hanggang Biyernes na lamang ang kanilang Pasok... Pumasok na rin si Hector sa kanyang opisina... At naiwan si Irish sa kanilang mansyon...
Naghahanap siya ng magandang maisusuot...tumatapat siya sa salamin at tinitingnan kung anong damit ang dapat niyang suutin.. Ito bang kulay pink? Kulay berde itim o blue upang mas elegante?Napili ni Irish magsuot ng kumikinang na asul na damit magandang sapatos na kulay puti.. Nag ayos siya at naglagay ng mascara, foundation, blush on, at lipstick...
Bumaba siya ng hagdan at dala dala ang isang maliit at mamahaling bag.
Tinanong siya ng kanyang mga kasambahay
Nida: Ma'am? May party po ba kayong pupuntahan?
Irish: Ano? Wala.. I'm just going outside... Ok? Sige na bantayan ang mansyon ok? Pag uwi ng mga bata ng tanghali prepare festive food.
Umalis siya at sumakay ng kotse. Ipinagdrive siya ng kanilang driver.
Driver: Saan po tayo ma'am? Sa mga kaibigan niyo po ba?
Irish: Nope... Sa school ni Carol..
Driver: Ok po.... Ano po?
Irish: Sa school nga ni Carol
What's wrong!!?
Driver: Ah wala po...
Irish: Hurry Up!!10:30AM dumating si Irish sa school ni Carol.. At siya'y panandaliang pinahinto sa gate ng guard... Kumatok siya sa glass ng car at nagtanong
Guard: Ma'am.. Sino po ang kanilang pakay?.........
Ang mga tao sa school ay manghang mangha na napatingin kay Irish nang lumabas siya ng kanyang kotse... Manghang mangha rin si Leticia dahil nakita nito kay Irish ang fashion trend nung panahong iyon..Nasa baba sina Leticia at mga kaibigan niya nang makita niya rin ang eksenang lumabas si Irish sa kanyang kotse..
Leticia: Wow ang cool niya maging mom! Ang ganda ng kanyang style.
Kaibigan ni Leticia: Kaninong mommy kaya yun? Ang yaman pa beh!Sa klasroom nila Carol, ang ingay ng mga kaklase nila at nasa labas ng room dahil raw may isang mukhang artista ang pumunta sa kanilang school!
Jadie: Carol?? Yung mommy mo pinagkakaguluhan!
Sumilip si Carol sa baba at nakita ang kanyang mommy..
Carol: mommy?!Itututloy..
