Bea: May sasabihin ako sayo...
Carol: Oh? Importante siguro nohh pumunta ka pa dito---
Bea: niloloko ka lang ni Jeremy..
Tila nabingi si Carol sa sinabi ni Bea at sinabi niyang
Carol: Ano?
Bea: Niloloko ka ni Jeremy...
Medyo natulala si Carol at iniinternalize pa ang mga sinasabi ni Bea...
Bea: Sorry Carol.. Pero kasi kanina sa cr--
Carol: Ohh? Haha! Naku Bea.. Ayos lang kung ganon talaga.. Kanina nag usap na kami habang naglalakad.. Sinabi ko rin sa kanya na di ko siya gusto no.. Don't worry itinigil na namin kanina. Pero salamat Bea ah hehe... Pero maniwala ka.. Wala na yunnn..
Tila nabunutan ng tinik si Bea sa kanyang narinig na hindi nito gusto si Jeremy.. Dahil hindi na kailangan palang sabihin ni Leticia ang kanyang sikreto...
Bea: Ganon ba.. Mabuti yun Carol at hindi ka agad nabola non.. Hehe osyaaa kita nalang tayo bukas ha. Bye Carol
Pumasok si Carol sa bahay nila na magulo ang isip.. At nagtatanong sa kanyang sarili na "Niloko lang pala ako?"
Umakyat siya at habang papaakyat siya tinawag siya ni Hector ngunit hindi siya nito narinig dahil nga sa maraming tanong ang nasa isip niya..
Pagdating niya sa kwarto.. Nagtext si Jeremy...Jeremy:
Hi Carol! Kmusta.. Kumain ka n?
Hindi ito nireplyan ni Carol...
Naiinis siya dahil naging crush na niya si Jeremy...Nagtext muli si Jeremy
Hello? 2l0g k na b?
Nagreply si Carol ng emoticon na smile
Jeremy:
Aun..nagrply..hehe inaantay q txt muh e'Hindi na nagreply pa si Carol.. Hindi na rin niya pinapansin si Jeremy sa school.. Medyo tahimik na rin siya at matamlay.. Dahil alam nila Bea at Jadie ang nangyare naintindihan naman nila ito kahit papaano..
Umaga sa kanilang klase lumapit si Leticia kay Carol.
Leticia: kumusta Carol? Bakit malungkot ka? Broken hearted ka ba?
Tahimik lang si Carol at biglang tumayo at lumabas ng room..
Bea: Leticia Pwede ba lumayo ka?
Leticia: Ano? Gusto mo sabihin ko na kay Carol?
Jadie: Hayaan mo nalang si Leticia...
Iniwanan nila Bea at Jadie si Leticia at sinundan si Carol. Silang tatlo ay nag usap..
Jadie: Carol umamin ka nga? Na-fall ka na ba sa kanya?
Hindi sumagot si Carol at nakatunganga lamang sa kawalan..
Bea: Hindi! Hindi siya na fall don.. Pero beh diba masakit yun na niloko ka lang
Jadie: Loko talaga yang Jeremy na yan.. Akala mo kung sino.. Masama pala ugali..
Tumulo ang luha ni Carol...
Bea: Hala Carol...
Niyakap ni Jadie si Carol..
Jadie: Hayaan mo na Carol at least pa graduate na tayo.. Hindi mo na siya makikita.
Nakita ni Bea na paparating si Jeremy..
Bea: Ahmm Carol tara pasok tayo sa loob...
Jadie: Ha? Wag doon ang ingay kaya ni Leticia.
Carol: bababa muna ako..
Pag harap ni Carol.. Nakita niya si Jeremy na nakatayo sa malayo... Naglakad si Carol at nilampasan lang si Jeremy.. Hinawakan pa ni Jeremy si Carol sa braso pero inialis ito ni Carol at tuluyang bumaba ng hagdan.
Tropa ni Jeremy: Arte naman!
Tropa: Baka nalaman na niya totoo..
Pinigilan at siniko ni Jeremy ang kanyang mga kaibigan dahil andon sina Jadie at Bea sa malayo na masama ang tingin sa kanya..
Umalis si Jeremy at sinundan si Carol... Tumakbo siya kaya nahabol niya ito..Jeremy: Carol! Ok ka lang? Di mo na ako pinapansin?
Nakatalikod lang si Carol at hindi hinaharap si Jeremy
Carol: Ang galing mo no?
Jeremy: Ha?
Carol: Ang galing mong manloko...Itutuloy...
