Chapter 6 - Growing Up

11 0 0
                                    

......
Pumunta ng Kusina si Irish at kinausap si Nida kung tunay nga bang galing bahay ampunan ang bata.

Irish: Ate Nida? Talaga bang galing ampunan yang bata? O may babaeng kasama si Hector kagabi ha??
Nida: ay ma'am si sir lang po ang dumating.. At galing pong bahay ampunan po talaga.. Nasa loob daw po ng brief case ni sir yung mga papeles.

Nagsuka suka si Irish dahil nga sa marami niyang ininom na alak kagabi.

Nida: Ma'am gusto niyo po ba ng tomato juice pampawala po ng pagsusuka niyo..
Irish: oo sige bilisan mo! Baka ikaw pa sukahan ko.

Dumaan ang limang taon at lumaki si Carol ng malambing, masunurin at maganda... Makulit ito at pala-laro. Isang umaga sila'y naglalaro ng kanyang yaya ng tagu taguan.. At nahirapan si Yaya Badeth na hanapin siya kaya naman naisipan niya na baka sa kwarto ni Eloisa ito nagpunta kaya pinuntahan niya ito.

Yaya Badeth: naku, Carol andito ka lang pala.. Hindi ba bawal ang kwarto na to pagtaguan.. Lahat pwede wag lang to.
Carol: yaya... Huhu bakit wala po ako masyadong litrato... Di tulad ni ate Eloisa marami sa kanya!
Yaya Badeth: makinig ka Carol ha.. Busy na kasi si mommy and daddy mo... Pero sa ngayon labas muna tayo ha. Baka pagalitan tayo ng mommy mo.

Lumabas sila ng kwarto pero saktuhan silang nakita ni Irish na nasa hagdan.

Irish: Bakit andon ka sa kwarto ni Eloisa?
Sumagot ka!!
Umiiyak na si Carol... At siya'y hinahawakan ni Irish sa braso..
Hector: Irish!
Nagalit at nagtalo ang mag asawa.

Carol: hindi naging maganda ang relasyon ko sa aking mommy, dahil noong bata ako lagi niya akong pinapagalitan. Lalo na pag pumupunta ako sa kwarto ng ate ko.. Pero si daddy, mabait siya, maalalahanin at ramdam ko ang pagmamahal niya. Lagi akong binibilhan ng laruan.. Dinadala sa mga Parke, zoo at pambatang kainan. Yun ang pagkakaiba nila ni mommy....
Noong ako'y 7 years old, top 1 ako.. Tuwang tuwa si Daddy sabi niya mana raw ako sa kanya... Si mommy naman.. Kahit papaano nangingiti dahil pinupuri siya ng mga kaibigan niya nang dahil sa akin.. Pag kami ay nasa labas..mabait si mommy sa akin at maalaga pero pag nasa mansyon.. Balik siya sa kanyang tunay na ugali...
Isang gabi.. Nagtatalo sila mommy and daddy...

Itutuloy..

Sa Likod Ng Mga LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon