.......
Tanghali na ng nakarating sila Laguna. Mataas na ang araw at gutom na sila kaya naisipan nila muna na kumain..
Nagstop over sila sa mga kainan at sila ay kumain.. Mabilis na kumain si Luke dahil nga excited na siya.Irish: Luke! Gusto mo mabulunan? Dahan dahan lang
Luke: Mommy... Bilisan niyo na mawawalan tayo ng time pumila.
Hector: Don't worry anak close ko ang may-ari ng Enchanted kaya binigyan tayo ng special pass.. Makakasakay ka ka agad.
Luke: WOW!! YOU'RE the BEST daddy!Alas dos na ng hapon sila nakapasok sa Enchanted at excited na excited si Luke at hawak nito ang kamay ng kanyang ate.
Yaya Yolly: Luke lagyan muna kita ng bimpo sa likod.
Luke: Sige po yaya
Yaya Badeth: Ikaw Carol? Ok ka na ba?
Carol:Opo yaya, pabuhat nalang nitong tubigan.Hinanap nila ang Space Shuttle, rinig na rinig ang sigawan ng tao, ang napaka bilis na pag andar nito at ang pagbilis ng tibok ng puso ni Carol...
Luke: ate okay ka lang?
Carol: Oo naman.
Sila ay pinauna dahil binigyan sila ng special na pass ng may ari...
Luke: Ate dito tayo sa harap!
Carol: Huwag! Dito tayo sa gitna
Sila ay sumakay at takot na takot si Carol.. Pumikit siya at tumitili ng malakas kasabay ng tili nila yaya Yolly at Yaya Badeth.Matapos ang kanilang pagsakay rito.. Mahilo hilo silang bumaba..
Luke: Ang saya! Buti abot ako sa height requirement! Haha ateee ulitin natin
Carol: Mamaya na! Hayyy.. Sa carousel muna tayo...
Sumakay si Carol dito at tuwang tuwa siya... Si Luke naman ay nabuburyong dahil paikot ikot lang ang nangyayare sa carousel..
Sila Irish at Hector ay nasa Crosstown Mall malapit sa Enchanted. Sila ay bumibili ng grocery.Sumapit ang gabi at sila'y nagutom.
Yaya Yolly: Gusto niyo ba ng hotdog? Papunta na rin sila ma'am.. Kakain tayo kasama nila pero meryenda muna tayo.
Naghanap sila ng tindahan ng hotdog.. At umorder na.
Nagmasid si Carol sa paligid at maraming tao ang nasa paligid... Dahil nga Linggo, maraming pamilya ang namasyal.. Mga magbabarkada, mga matatanda ay andito rin..maya maya may napansin si Carol. May isang matanda na tila tuliro.Carol: Yaya.. Sandali ha. Pakibantayan si Luke... Ito po pala bayad sa Hotdog.
Lumapit siya sa Matanda
Carol: Nay? May problema ho ba kayo?
Lola: Ayy iha hindi ko mahanap ang CR eh
Carol: Ahh ayun po oh..
Lola: Asaan iha?
Tinanaw ni Carol sila yaya Badeth at mukhang okay naman sila doon kaya sinamahan niya ang lola...May nagtext kay Yaya Yolly
Yaya Badeth: yan ba yung bf mo? Ayie!
Yolly: Oyyy! Wag ka maingay hahaha
Luke: Hala? Tagal ni ate Carol ah..
Umalis si Luke dahil natanaw niya ang ate niya na papunta ng cr kasama ang isang matanda.Tindera: Ito na po ang hotdog sensya na niluto pa kasi.
Yaya Badeth: Ok lang po.ito bayad...
Yaya Yolly: Tara na Luke...
Luke???....
Yaya Badeth: Baket? Hala asaan si Luke?Itutuloy....
