Dumaan ang isang linggo at mga araw, si Jeremy ay walang palyang nangungulit kay Carol at nariyan na binibigyan si Carol ng Chocolate at letters. Unti unti na rin nahuhulog si Carol...
Nanghihinayang pa si Carol kung bakit kung kelan pa graduate na sila saka pa nagkakilala..
Isang gabi magkausap sila sa text at kilig na kilig naman si Carol sa kanilang usapan...MESSAGE:
Jeremy:
Hi Carol, nagus2han m b ung letter q?
Carol:
Ahh.. Ou.. Hehe
Jeremy:
Totoo yang cnasabi q. Sana sagutin mouh na aq.
Carol:
Ha.. Hla.. Maaga p para jan..
Jeremy:
Peo mag aantai aq sau... Bkas hatid kta pauwii... Pede b??
Carol:
Bka may makakita satin..
Jeremy:
Wla yan. Aq bhala
Carol:
Cge, bukas nlang.. 2log na me...
Jeremy:
Gudnyt Carol (^o^)Kinabukasan sa room.. Nakaupo at nakaharap si Harold sa bintana at malalim ang iniisip... Biglang naalala niya ang nangyari noong Birthday Party ni Luke.. Nang pumunta sila sa kwarto ni Carol. Pinakitaan sila ni Carol ng pagtugtog ng Flute.. Tinugtog niya ang My heart will go on..hindi pa ito perpekto dahil nag aaral pa siya.. Tuwang tuwa sina Bea at Jadie at pinupuri si Carol. Habang si Harold ay nakatingin lamang at tila humanga siya kay Carol... Hindi lang matalino, maganda at talented pa... Hindi siya nakapagsalita noon dahil tila napilipit ang kanyang dila sa pag puri sa talento ni Carol...
Biglang nabasag ang kanyang pag alala kay Carol nang tinawag siya ng kanyang mga kaibigan para maglakwatsa dahil wala naman daw ginagawa... Pinagmasdan niya muna si Carol at bumaba na kasama ang kanyang mga tropa..
Uwian na.. Naghihintay si Carol sa waiting shed kung saan magkikita sila ni Jeremy para magsabay umuwi... Kasama niya si Jadie at Bea.
Bea: Guys wait ha naiihi ako!!! Nakalimutan ko mag cr kanina.. Wait ahhh
Jadie: Hay nako Bea!!! Bilisan mo darating na si Bebe Jeremyy!!
Umalis na si Bea at biglang humingi ng paumanhin si Jadie kay Carol
Jadie: Ay sorry Carol hahaha sayo pala si Jeremy ayieeee
Pumasok na si Bea sa school at tumatakbo na talaga siya dahil nagmamadali siya para mabilis na maka cr at makasama na sina Carol
Pagdating niya palang sa cr may narinig siyang boses..
Boses: naawa na nga ako sa kanya... Akala niya totoong gusto siya ni Jeremy
Napagtanto ni Bea na si Leticia ito..
Leticia:hahaha!
Lumabas si Bea ng Cr pero nakikinig pa rin siya sa usapan.. Umaalingawngaw ang boses nila kayaa rinig pa rin niya ito.
Friend ni Leticia: Hindi ka ba nagseselos?
Leticia: Duhhh? Hindi no alam kong mahal ako ni Jeremy...
Friend Ni Leticia: Grabe yang pinagawa mo kay Jeremy ah..
Leticia: Oo naman para makuha matamis kong oo kelangan niya sumunod...
May dumating na dalawang estudyante na nagtatawanan kaya naman napatigil na sila Leticia magsalita.. Nagtago muna si Bea sa labas...
Lumabas na sila Leticia at kaibigan nito na nagmake up pa..Sa labas ng school..
Jadie: Tagal ni Bea ano yun isang balde inihi niya?
Biglang dumating si Jeremy
Jadie: Oopsss andito na siyaa.. Puntahan ko nga si Bea... HeheheUmalis si Jadie.. Sumigaw pa si Carol na huwag sana siya umalis pero nakalayo na si Jadie at naiwan sina Jeremy at Carol sa waiting shed...
Jeremy: Ahmm. Alis na tayo Carol?
Carol: Ohhh.. Ahhmmm hintayin natin sila.
Jeremy: Actually nagsabi na ako kay Bea na mauna na tayo.. Nagkita kami sa loob..
Pumayag si Carol at sila'y naglakad.. Hindi sumakay si Carol sa kanyang service at piniling maglakad kasama si Jeremy... Nakita sila ni Harold sa likod...
Pagbalik ni Jadie at Bea ay wala na sila Carol...
Bea: Si Carol????
Jadie: Halaaa.. Naku nauna na ata sila ni Jeremy.. Ayiiieee naku talagaaa lumalove life si Carol.
Nainis si Bea at gusto na niya sabihin ang totoo sana kay Jadie
Bea: Makinig ka Jadie.. Hind---
Nakita ni Bea si Leticia na lumabas na ng school.. Lumapit si Bea at hinarangan si Leticia sa daan...
Bea: Bakit mo ginawa yun ha?
Leticia: Ha? Ano sinasabi mo?
Bumulong si Bea
Bea: Alam kong niloloko lang ni Jeremy si Carol at ikaw ang may pakana.
Biglang tumakbo papalapit si Jadie..
Leticia: oh??? Isa ka palang dakilang chismosa.. Oh ano naman? Ano gagawin mo?
Inis na inis si Bea at si Leticia naman ay tila pangiti ngiti pa.Itutuloy...