Sa paligid maraming nagsisi-iyakan... Nagpipicture ng magkakasama.. Maraming nagyayakapan at nagtatawanan sa parehong pagkakataon..
Si Harold ay may dalang liham at bulaklak para kay Carol... At siya'y kinakabahan.. Dumating si Carol galing siya sa ibang grupo ng kanyang mga kaklase at ngayon lang pinuntahan sila Jadie at Bea at niyakap sila ni Carol... Nag si iyakan ang tatlo...
Bea: Mamimiss ko kayooo!!
Jadie: Ako rin!
Carol: Salamat sainyo.. Wag tayong magwawatak watak ha! Text text pa rin tayo...
Jadie: Oo.. Buti ka pa Carol pumasa ka sa mga magagandang unibersidad.. Huhu ako baka ienroll nalang ako sa private college...
Carol: Naku.. Ang mahalaga magcocollege tayo..
Muli silang nagyakapan.. Lumapit si Harold...
Harold: Ahmm Carol?
Lumingon si Carol... Ngunit may boses rin na tumawag kay Carol..
Jeremy: Carol..
Lumingon si Carol at may binigay si Jeremy.. Inabot ni Jeremy ang isang bouquet ng bulaklak... At regalo...
Jeremy: Patawarin mo ako Carol...
Tahimik lang si Carol..hindi pa rin makaila si Carol na may kaunti pa rin siyang nararamdaman kay Jeremy... Ngunit tinaboy siya nila Jadie
Jadie: Hay nako Jeremy.. Tigilan mo na si Carol..
Jeremy: Oo.. Titigil na ako kapag tinanggap ito ni Carol...
Tumingin si Carol kay Jeremy at nakita sa likod sina Irish at Hector na paparating ..
Kinalabit ni Hector si Jeremy...
Hector: sino ka? Bakit mo binibigyan ng bulaklak ang anak ko?
Natameme si Jeremy at kinabahan.
Irish: Oh? Hindi ka pa ba nagsisisi? Huwag mo ng lalapitan ang anak namin...
Jeremy: Ahmm.. Bibigay ko lang po itong bulaklak ahmmm galing po kay papa...
Nadismaya si Carol at Jadie dahil hindi naman rin pala ito binili ni Jeremy kundi ang Principal ang nagpapaabot..
Hector:Hindi kailangan ng anak ko yan.. Umalis ka na.... Pinaalis nila si Jeremy at hindi nila tinanggap ang regalo nito...
Hector: Oh tapos na Carol? Tara na at kakain pa tayoo..
Carol: Oo sige po daddy.. Teka...
Bumaling si Carol kay Harold...
Carol: congrats satin Harold.. Babye! Ingat ka ha...
Sinisiko siko na ni Bea si Harold para iabot ang bulaklak at liham na tinago niya sa kanyang likuran..
Hector: Ano yung tinatago mo?
Kinabahan si Harold at tumindi ang tibok ng kanyang puso..
Hector: Para kay Carol ba yan?.Sabay kinuha ito ni Bea... Gulat na gulat si Harold at sisigaw na sana nang sinabi ni Bea na...
Bea: Ahmm opo sir.... Ahmm Carol para sayo pala.. Hehe bigay ko yan. Itong liham para sayo rin.. Pinahawak ko lang kay Harold hehe. Basahin mo ha wag mo itapon...
Carol: Oh sayo pala to Bea thank you ha..
Jadie: Hala bakit sakin wala ha?
Bea: bakit? Valedictorian ka ba?Carol: O siya una na kami ha. Text text nalang tayo Bea at Jadie ha.. Babye!!
Umalis sila Carol at ang kanyang pamilya....
Nang malayo na sila Carol..
Bea: Muntik na tayo don!!.
Jadie: Anong muntik??
Bea: Wala!!
Sabay kindat ni Bea kay Harold... At bumulong kay Harold...
Bea: Success.. At least naibigay ang letter diba??
Kinabahan at nalungkot si Harold dahil hindi siya man lang nakapag kamayan kay Carol....... Sumakay sina Carol sa kotse nila...
Luke: Ate Congrats.. Grabe nasayo na lahat ng awards.. Best in Trigo.. Best in Science Quiz Bee lahat na!
Irish: Mana lang yan sakin si Carol.
Hector: Ha? ANONG SAYO? Sino ba satin dalawa ang Valedictorian din noon?
Irish: Oh bakit ikaw lang ba? Top 12 naman ako noon ha akala mo ha..
Nagtawanan silang lahat... Masayang masaya si Carol...
Hector: Anak Carol?
Carol: Po?
Hector: Sino yung Harold?
Irish: Ano ka ba ayun nga yung pumunta nung birthday ni Luke.. Ang takaw takaw non grabe.. Kaya mataba ehhhh...
Hector:Oh hindi ko napansin eh... Basta sabi ko sayo Carol ha. Wag ka na magpadala sa mga taong nagsasabing mahal ka niya o may gusto sayo.. Kilalanin mo muna..
Carol: Opo daddyy..
Irish: Aba? Dapat pala hindi muna kita sinagot noon?
Hector: Ano?
Irish: Hindi pa tayo noon masyado magkakilala tapos umamin ka na sakin no?
Hector: Ha? Ikaw unang umamin...
Nagtalo ang dalawa sa kotse.. At sila Carol at Luke ay tumatawa lamang..
Ito na ata ang pinaka masaya niyang taon... Kung saan unti unting nagbago ang pakikitungo ng mommy niya sa kanya...
..............Itutuloy...