Dumungaw si Carol sa bintana at nakita ang kanyang mommy na naglalakad papasok ng isang building ng kanilang school.. Maraming tao ang nasa paligid.. Maraming estudyante ang nagkakagulo sa isang babaeng ngayon lang nila nakita... Madalas kasi yaya ni Carol ang dumarating tuwing kuhaan ng Card, homeroom meeting at recognition kaya hindi nila kilala ang mommy ni Carol...
Tropa ni Harold: Mukha siyang artista pre!
Tropa: Oo nga pre... May anak kaya siya? Panigurado maganda rin yun!
Harold: Mommy yan ni Carol...
Napatigil sila nang marinig ang sinabi ni Harold....*********
Dumiretso si Irish sa principal's office...
Ang sabi nito sa guard nais niya raw makipag usap sa Principal... Dahil bilang nanay ng magiging valedictorian ng school nila maigi na ma meet niya raw ang principal...May dala si Irish na Paper Bag na may tatak ng kanilang kumpanya at kumatok sa Principal's office...
Pumasok si Irish.. At tinanggal ang kanyang shades... Pinagmasdan ang paligid at tinitigan maigi ang bawat nakalagay sa opisina ng principal kasama ang family picture nito na nasa mesa...
Principal Ramirez: Kayo po pala ang ina ni Ms. Carol Fernandez?
Masayang pagbati ng Principal...
Mr. Principal: Gusto ko pong sabihin na napakabuti ng inyong anak na si Carol at talagang sobrang talino hehe...Tiningnan ni Irish ang Principal mula ulo hanggang paa... At ang suot nitong sapatos ay produkto nila..
Irish: Maganda ang sapatos mo Mr. Ramirez?
Pangiting sinabi ni Irish..
Principal: Opo naman ma'am.. Ito po ang pinakamahal na produkto ng H&I Company! Hehehe
Tumango si Irish at nilibot ang mga mata sa paligid...
Irish: Ito pala ang anak mong si Jeremy?
Nagulat ang Principal dahil nakilala nito ang kanyang anak..
Principal: Ayy opo! Paano niyo po nakilala ang anak ko?
Irish: Ah.. Balita ko lang kasi siya ang crush ng girls dito... Dahil.. may itsura siya..
Principal: Opo manang mana talaga saki---
Irish: Sa mommy niya...
Pagtataray ni Irish... Medyo sumimangot ang principal at tinanong ang pakay ni Irish...
Principal: Bakit ho andito kayo Mrs. Fernandez?
Irish: ahhh ibibigay ko itong regalo ko dahil napakabuti ninyong principal... At syempre dahil gagraduate na ang anak ko.. May simpleng regalo ako sainyo ng anak mo...
Plastic na ngiti ni Irish ang kanyang pinakita at pinatong ang paper bag sa mesa ng Principal... Nagulat ang principal dahil ito ang bagong labas na sapatos ng kumpanya nila Hector...
Nagbago ang emosyon ng Principal dahil nakita niya ang laman nito..
Principal: Wow! Ito ang bagong labas na sapatos ng H&I! Napakamahal nito... Salama---
Irish: Kaya lang Mr. Principal... Balita ko loko loko ang anak mo?
Natulig ang pandinig ng principal sa sinabi ni Irish..
Irish: Ang anak mo, balita ko... Nananakit
Hindi na sinabi ni Irish kung saang aspeto nananakit si Jeremy kaya naman nagsalita ang Principal.
Principal: Nananakit? Hindi po bayolente ang anak ko!
Irish: Oh? Gusto mo ipatawag ko siya... Upang kausapin natin?
Nang aasar ang tingin ni Irish...
Irish: Mr. Principal.. Makinig ka.. Kausapin mo yang anak mo.. Disiplinahin mo para maging huwarang anak... Kung hindi... Babawiin ko ang scholarships na inilagay ng H&I Company sa eskwelahang ito.
Mr. Principal: Ano?? Bakit sino ka ba?
Irish: oras na saktan muli ng anak mo ang anak kong si Carol.. Papatumbahin ko itong paaralan mo...Umalis si Irish at naiwang speechless o walang masabi ang Principal... Nagtaka ang principal kung sino ba talaga ang nanay ni Carol na iyon.. Kaya naman nagsearch siya sa internet... Napag alaman niya na ang "I" sa H&I company ay ang pangalan ng asawa ng CEO ng kumpanya na si Hector.. Nakita niya sa mga larawan sa internet ang itsura ng nanay ni Carol na bumisita sa kanya...
Hinang hina si Mr. Ramirez nang malaman niyang si Irish pala ang asawa ni Hector na siyang nagbigay ng scholarship program sa kanilang school...
Kaya naman pinatawag niya si Jeremy....Itutuloy..
