FLASHBACKK..
Noong gabi na pumunta si Bea sa bahay ni Carol. May sinabi pa siyang isa... Sinabi nya pinapafall lamang siya ni Jeremy.. At binilinan ni Bea na layuan na niya si Jeremy.Bumalik sa hinaharap..
Hinarap ni Carol si Jeremy at sinabing muli...
Carol: Galing mong manloko no?
Jeremy: Ano? Di kita niloloko!
Carol: Mahanap ka ng ibang lolokohin mo at hindi ako.
Nasilayan ni Jeremy ang iyak ni Carol at nung tanghaling iyon pagbalik ni Jeremy sa kanilang classroom nagtext siya kay Leticia...
Nagkita sila after ng klase sa labas ng school
Leticia: Oh baket? Tapos ka na ba sa mission mo?
Jeremy: Leticia ayoko ng manloko.
Leticia: Ay wow? Kelan ka pa nagbago? Bakit? nahulog ka na sa babaeng yun?
Naglabas si Leticia ng sigarilyo at sinindihan ito.
Jeremy: Ano ka ba? Malapit tayo sa school makikita ka!
Leticia: eh anong pake mo?
Jeremy:itigil mo yan..
Leticia: sino ka ba? Boyfriend ba kita? Tandaan mo kailangan mong gawin lahat ng gusto ko kundi isusumbong ko sa daddy mo ang kalokohan mo..
Sabay buga ng sigarilyo
Leticia: Huwag ka ngang umasta na close tayo?
Jeremy: Tigilan mo na nga yang pambablackmail mo
Leticia: don't worry makakawala ka rin dito.. Ngayon I want you to REJECT Carol.. Tell her na ayaw mo na.. Na hindi mo na siya gusto. Tapos!
Jeremy: Hayyy.. Kawawa nam--
Leticia: Ok? Then mamili ka.. Reputasyon ng daddy mo o sarili mo?Kinagabihan... Habang kumakain hindi tinapos ni Carol ang kanyang Pagkain... At siya'y umaakyat na sa hagdan
Irish: Hoy! Hoy.. Bumalik ka rito yung pagkain di mo inubos?
Sumagot si Carol sa malayo..
Carol: Busog pa po ako...
Irish: Aba? Sumasagot na ng pabalang ha??
Tahimik lang si Hector ngunit napansin niya ang kalungkutan nito..
Hector: Hon.. May problem ata si Carol. Kausapin mo.
Irish: Ha? Bat ako?
Hector: Eh baka girl's talk ata yun eh
Irish: Hmmm.. Sige try ko bukas..
Hector: hon.. Dali na ha?
...........May natanggap si Carol na text mula kay Jeremy...
Sorry Carol.. We need to take a break.. I need space.. Sorry..
Kumatok si Yaya Badeth at may dalang tinapay at gatas...
Badeth: Carol oh.. Di mo kasi inubos pagkain mo.. Anyare?
....... OH? BAKIT malungkot ka Carol?
May nang away sayo?
Biglang yumakap si Carol kay Badeth.
Carol: Yaya... First time ko lang po mafeel na special ako tapos..
*singhot ng sipon... Tapos...
Badeth: Oh kay Jeremy.? ito ba yung tinatawag nilang tears of Joy?
Pinakita niya ang Text ni Jeremy..
Badeth: ha? Bakit siya nagsosorry? Sorry lang naintindihan ko eh.. Break? Ano yun nabalian siya??
Inexplain ito ni Carol kay Badeth.. At nagalit si Badeth...
Carol:Ayaw niya na po...
Badeth: loko yan ah?! Ano banatan ko na?
Carol:First time rin po akong niloko... Pinafall in love niya lang po ako yaya
***Umiiyak na si Carol...
Badeth: Puntahan ko na yan bukas?? Ano section niyan?
Carol: Last section yaya..
Badeth: Pambihirang yan di pala yan matalino.. Pabigay bigay pa ng letter tas chocolate tas hinahatid ka pa!!.
Lalong umiyak si Carol...
Badeth:Sorry Carol..pinaalala ko pa.. Huhu.. Tahan na..
Niyakap siya ni Yaya Badeth..Nasa tapat ng pinto si Irish at narinig niya itong lahat...
Itutuloy...