Nang susugod na si Hector.. Upang ipagtanggol ang babae...
Bigla siyang nagising...Nagising siya nang narinig niya ang kanyang alarm..
*kriiiiiinggg kriiiiiinggg*umaga na at mag aala-sais na ng umaga... Tulog pa si Irish... Nagulat si Hector dahil may luha siya paggising niya... Bumangon siya at naghilamos..naligo at bumaba upang kumain..
Nakasabay niyang kumain sina Carol at Luke...Hector: Last day niyo na sa eskwelahan?
Carol: Opo daddy...
Hector: Gusto mo ba bigyan ko ng leksyon muli yang Jeremy?
Luke: Sama ako daddy!
Carol: Naku sapat na po yung ginawa ni mommy kahapon hehe...
Hector: Basta Carol ha.. Mag iingat ka sa mga lalaking ganon..
Tumingin si Hector sa kanyang relo at siya'y umalis na.. Sabay nila Carol at Luke...Nagising si Irish at humingi ng tea kay Aling Nida...
Aling Nida: Ahmm.. Ma'am may pinapabigay po si Carol
Irish: Ano?
Iniabot ito ni Nida................
Sa paaralan...
Prinaktis nila Carol ang kanilang graduation sa huling pagkakataon.
Habang kinakanta nila ang kanilang graduation song.. Silang lahat ay napaiyak.. Dahil mamimiss nila ang isa't isa...
Nagannounce ang kanilang principal
Mr. Ramirez: Congratulations Batch 2011! This is your last day in school and we will see each other on Tuesday.. Sa ating graduation day! Congratulations din sa ating top 10. Balik na kayong lahat sainyong classrooms
...........Umakyat si Irish nang matanggap ang pina bibigay ni Carol... At ito ay isang letter..
Dear Mommy,
Nahihiya po ako na magsabi sayo ng personal pero salamat po sa pagtulong niyo sa akin sa eskwelahan.. Salamat sa oras na nilaan niyo para lang pumunta sa school at ipagtanggol po ako. Nagulat po ako mommy.. Doon ko lang po naramdaman ang pakiramdam ng may mommy na nagtatanggol sayo.. Salamat mommy.. At nawala na ang aking lungkot sa ginawa sa akin ni Jeremy... Kundi napalitan ito ng saya... Dahil sa iyo magiging masaya po ako sa aking graduation.. At mommy siya nga pala... magpiprepare po ako ng Valedictory Address... Papabasa ko po sainyo ni daddy. ! 70^3 ü mommy!
CAROL...M
atapos mabasa ni Irish ang liham... Tumulo ang luha nito at sinabing
Irish: Hmphhhh... Ngayon niya lang naramdaman na may mommy na nagtatanggol sa kanya? Hay naku.. Ano ba ito bakit may tumutulo sa mata ko. ....
Napansin ni Irish ang sulat sa baba ng papel.
Irish: "! 70^3"?? Ano to... Ano na naman tong kalokohan ni Carol.. Hayyy.
Sabay singhot ng sipon***Nang mabasa ito ni Irish.. Tila masakit ang mga salita ni Carol na kanyang nabasa.. Nakita niya ang kabaitan ni Carol at kung gaano kadalisay ang damdamin nito sa kanya kahit ganoon ang kanyang ugali kay Carol..
Biglang nag vibrate ang kanyang cellphone...
*dzzzt dzzt*
Nabasa niya ang text na ito ni Carol
Mommy.. Pede po b pag tpos ng klase nmin ay mag Mall raw kmi nila Jadie.. Bea at Harold..last day n po nmin sa school e....Nagreply si Irish ng "K"
Sabay ngiti nito dahil first time niyang pumayag sa gusto ni Carol..
...............Itutuloy..
