Ika-9 ng Marso 2011..
Ika 8 taong Kaarawan na ni Luke..
Sa kusina, busy na nagluluto si ate Nida kasama ng ibang kasambahay, may spaghetti, manok, kanin, hotdog na may marshmallows na nakatusok sa repolyo, chocolate fountain, cupcakes, fries at ang Cake ni Luke.
Irish: Ilagay niyo na yan bilis! Mag aalas dos na at darating na sila Luke. Ayan ate Nida sa may Garden ilalagay ha???
Kararating lang din ni Hector dahil nag half day lamang siya sa trabaho para magcelebrate ng kaarawan ni Luke
......2:10PM dumating sila Luke at mga kakalase nitoooo. Manghang mangha ang mga kakalase niya dahil sobrang laki at magarbo nito.
Sila ay winelcome ni Irish
Irish: Maligayang Bati anak! Welcome kayo rito ha.. Gusto niyo na ba kumain?
Luke: Mamaya na mommy.. Papuntahin ko sila sa kwarto ko
Irish: Okay anak! Wag lang kayong magtatakbuhan sa hagdan at madisgrasya kayo.
Dumating na rin sila Carol.. Bea, Jadie at Harold.
Bea: Bakit ka kasama rito Harold ha?
Harold: Pasensya na.. Gutom kasi ako.. Yung mga magulang ko wala pa sa bahay..
Jadie: Hay naku wag ka lang kumain ng marami taba mo na nga eh.
Carol: Tama na nga yan hahaa...Natanaw nila si Irish na may magandang damit, maraming alahas at tunay nga na maganda ito. Gulat ang mga kaibigan ni Carol sapagkat napaka gara ng nanay ni Carol.
Irish: Hi Carol Anak!!
Carol: Ahmm Hi mommy... Ito po pala mga kaibigan ko..
Nakita ni Irish ang mga ito at tila hindi natuwa sa itsura nila.. Lalo na kay Harold na sobrang taba.. Pero pinipilit pa rin niyang maging mabait..
Irish: Ohhh.. Carol hehe.. May kaibigan ka pala... Ayaw mo ba pumili ng mga kaibigang alam mo na... Hmmm kalevel natin...
Carol: po?
Irish: Ahh hindi anak.. Enjoy kayo ah... Lalo ka na ahmmm chubby boy.. Kain ka lang mabuti maraming pagkain..
Panunuya ni Irish pero para kay Harold ito ay isang magandang balita..
Harold: Opo ma'am, gaganahan ko po hehehe...
Medyo nahiya ang tatlo sa kanya...Singing:
🎶 HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY.. HAPPY BIRTHDAY TO YOU! 🎶
Hinipan ni Luke ang kandila na korteng number 8 at sila'y nagpalakpakan... Andaming regalo ang kanyang natanggap.. Sina Hector at Irish ay masaya na pumapalakpak...*Biglang may tumawag kay Hector...
Hector: Hello? Bakit??........ Ano??
Kita na kinabahan si Hector...
Bumalik siya at tinanong ni Irish..
Irish: Ano yun darling?
Hector: Ah wala.. Yung secretary ko..
Nang-isnab si Irish dahil naiinis yun sa secretary ni Hector....Nagpatuloy ang party.. May mga palaro at may clown... Binati si Luke nila Bea, Jadie, at Harold..
"Happy Birthday!" bati nila..
Jadie: Ito oh.. Regalo ko..
Bea: Ito naman ang sa akin..
Tumingin si Luke kay Harold..
Harold: Ayy.. Pasensya na ha.. Wala ako dala.. Padala ko sa ate mo.. Hhehee..
Luke: Okay po. Salamat po sainyo!Inaabangan ni Luke na may ibigay sa kanya si Carol ngunit wala pa itong binibigay... Busy ito na nakikipag usap sa mga kaibigan niya.. At silang apat ay pumasok sa mansyon..
.....Itutuloy...
