Chapter 24 - Bea VS. Leticia

7 0 0
                                    

Nasa harap pa ng school nagtatalo si Bea at Leticia... Maraming tao ang natigil at tumingin sa kanila...

Bea: isusumbong ko ito kay Carol..
Leticia: Oh? Wala kang pruweba
Bea: Maniniwala sakin si Carol...
Leticia: talaga lang ha? Maniwala kaya siya sayo? Or mas paniwalaan niya si Jeremy?
Bea: Ano??
Medyo natigilan si Bea... Nag isip siya... Magagawa kaya ni Carol na di siya paniwalaan?
Leticia: Maniwala pa kaya siya sayo pag siniwalat ko na ang secret mo?
Biglang natahimik si Bea at nanlaki ang mga mata.. Nagulat siya sa kung paano nalaman ni Leticia ang tinatago niya...
Leticia: Gusto mo? Tingnan natin kung maging kaibigan ka pa ni Carol pag sinabi ko ang sikreto mo.. Oh diba? Yun ang dahilan kung bakit ka maaga umuuwi?
Bea: Tumahimik ka!
Leticia: Aba.. Napipikon ka na no? Kung ayaw mong isumbong kita.. Huwag ka rin madaldal so keep your mouth shut...
Umalis si Leticia at iniwan si Bea na gulong gulo ang isipan.. Sino ang pipiliin niya? Sasabihin pa ba niya ang totoo? O masisira ang pagkakaibigan nila ni Carol?
Jadie: Ano yun Bea??? May tinatago ka??
Bea: ha?.. Wala!

Sa kabilang banda... Naglalakad sina Jeremy at Carol... Tahimik silang dalawa at hindi halos magkatinginan.. Masaya si Carol at talagang binabagalan niya ang paglakad niya upang mas tumagal pa na magkasama sila.. Si Jeremy naman ay naiinip na dahil sa maliliit na hakbang ni Carol.. Pero pinapakita niya na nakangiti siya at komportable..
Carol: Ahhh Jeremy.. Hanggang dito nalang.. Dito na kasi ang subdivision namin..
Jeremy: Ganon ba.. Text ka pag uwi mo ha
Ngumiti lang si Carol at sabay umalis... Palingon Lingon pa si Carol para tingnan si Jeremy... Si Jeremy naman ay nakatayo pa rin at kumakaway kay Carol....

Pag kauwi ni Carol... Ngumiti  siyang nagdoorbell sa gate at pinagbuksan siya ni Yaya Badeth.
Badeth: Bakit ngayon ka la---

Napansin ni Badeth na napaka saya ni Carol.

Badeth: Oh? Ano nangyare?
Carol: Hehe.. Yaya?
Badeth: Oh?
Carol: Ganto po ata pag inlove hehe..
Badeth: Ohhh?? Inlove ka Carol??
Ngumiti si Carol at tumango...
Badeth: Sino yan ha??
Carol: Mamaya kwento ko po yaya hehe.. Puntahan ko muna si Luke...
Badeth: Ayy oo sige ha! Mamaya..

Kinagabihan nanonood si Irish ng tv sa sala..
TV: BREAKING NEWS!!!
Reporter: Dalawang bangkay ang natagpuan sa isang abandonadong gusali na dating isang supermaket dito sa Batangas.
Irish: naku po demonyo gumawa nito!
Dumating si Hector at nagulat si Irish..
Irish: Ay demonyo!! Ayyy demonyo tuloy... Uy darling kumusta??
Hector: Ayos lang..
Reporter: Ang dalawang bangkay na ito ay nasunog at sa ngayon hindi pa kilala. Pero nagmamatch ito sa mag asawang isang linggo ng nawawala bago ang insidente...
Hector: kakastress sa work namin...

Sa KWARTO ni Carol..
Yaya Badeth: Ayieee!! Grabe binigyan ka niya ng Letters?!
Carol: Opo yaya tinago ko po.
Yaya Badeth: Ang sweet naman... Naku study first pa ren ha! Lalo na magcollege ka na.. Bata niyo pa
Carol: opo yaya kalungkot lang na pagraduate na kami.. Pero hihintayin niya raw po ako
Badeth: Hmphh naku sana lang talaga.. Pero syempre masaya ako para sayo kasi first time mo na ganto!!
Carol: Yes yaya... Ito ohh may chocolate po siya binigay kanina.. Kainin natin..
Badeth: Aba gusto ko yan.
Excited si yaya Badeth at kinain ang chocolate kasama si Carol

Sa SALA...
TV NEWS
Police: Walang ID na nakitaan dito sa bangkay at kung meron man siguro ho ay natupok na ito ng apoy..
Reporter: patuloy parin ang imbestigasyon dito..
Irish: grabe.. Walang puso itong mga mamamatay tao.. Tssskk naku..
Umupo si Hector at medyo patay malisya pa sa mga sinasabi ni Irish..
Biglang dumating si Mang Luiz at sinabing may naghahanap kay Carol...
Mang Luiz: Sir.. May naghahanap po kay Carol.. Bea raw po..
Hector: Akyat ka po sa taas mang Luiz andon si Carol.

Lumabas si Carol at nakita si Bea.

Carol: Oh? Bea? Sensya na ha nauna na kami ni Jeremy kanina.. Hehe
Bea: Carol.. May sasabihin ako sayo...
Medyo kinabahan si Carol...

Itutuloy...

Sa Likod Ng Mga LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon