Chapter 4 - Mga Alaala

17 0 0
                                    

Biyernes ng hapon, kinuha ni Hector ang bata sa kanyang mga tauhan at inuwi ito.
Kinagabihan dala na niya ang bata sakay ng kotse, siya ay sinalubong ng kanyang mga tauhan at kasambahay. Nagulat sila sa dala nito.
Narinig ni Irish ang tunog ng kotse at pagbukas ng gate kaya naman dali dali siyang lumabas.. Naglalasing ito kaya galit siya nang makita si Hector lalo na nang makita niya ang sanggol.
Hector: Naglalasing ka na naman?
Ahm, yaya Badeth pakuha nitong bata.
Irish: kanino galing yang bata? Ha?
Hector: galing ito kina.. Ahhh sis. Lily sa bahay ampunan.
Irish: oh? Saan naman daw yan napulot?
Hector:  lasing na lasing ka na.. Bukas ko na sasabihin, baka kung ano pa isipin mo, at saka alam kong di mo rin naman maaalala sasabihin ko.
Irish: Hindi ako lasing!!
Pasuray suray ang galaw ni Irish.. Inalalayan siya ng kanyang kasambahay na si Nida at inihatid ito sa kwarto.
Yaya Badeth: sir, saang kwarto po pala muna matulog ang baby?
Hector: sa kwarto muna ni Eloisa..
Kumain si Hector mag-isa at nasa likod niya ang kanyang mga maid.
Nida: Sir, condolence po pala... Namatay po kasi si Dr. Reyes.. At asawa nito..
Alam ko sir na malungk----
Biglang inurong ni hector ang kanyang upuan at sinabing
Hector: Iligpit niyo na ito. Nawalan ako ng gana.
At siya'y umalis.
Nag taka ang mga kasambahay kung bakit biglang nainis si Hector.
Maid1: Hala ate Nida... Baka di pa ready si sir pag usapan yun..
Nida: naku, wrong timing ako..
Maid2:  bakit kaya biglang naisipan ni sir mag ampon?
Nida: baka ililibang niya sarili niya..
Maid1: bakit kaya sanggol ang pinili ni sir na ampunin? Bakit Kaya hindi yung medyo malaki na..
Nida: hay nakuu. Wag na nga tayo magchismisan.. Magligpit na tayo..

Umiinom si Hector sa kanyang kwarto at naalala niya ang nakaraan..

Dalawang Bata ang naglalakad, nakauniporme at masayang nagbibiruan. Pagdating sa klase sila'y magkahiwalay ng upuan... Nagkaroon sila ng recitation at ang isang lalaki ang laging nakakasagot ng tama...

Dumating ang resulta ng kanilang grado.. At ipinaskil sa dingding ang mga nanguna sa klase...
Kaklase1: Hector!! Ang galing mo ikaw uli ang top 1...

Ngumiti lamang ang batang Hector.
Hector: naku matutuwa si inay..
Kaibigan: oh teka... Alis muna kayooo batiin ko lang ang matalik kong kaibigan... Isang pagbati mula sa gwapo mong best friend...
Hector : Ikaw naman.. Salamat Roberto..
Sila'y nagtawanan at masayang masaya.

At may biglang kumatok sa pintuan...

Itutuloy...

Sa Likod Ng Mga LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon