Chapter 22 - Jeremy

13 0 0
                                    

Nag iisip si Carol tatanggapin niya kaya ang chocolate? O dadaanan na lang ang lalaking ngayon niya lang nakita at nakilala? Nakita ni Carol ang isang guro na papalapit kaya pumasok na siya sa kwarto ng nakayuko...
Natulala ang lalaki dahil tinanggihan ito ni Carol..

Guro: Anong meron dito?
At nakita niya ang lalaki...
Guro: Ohhhh.. Jeremy? Bakit andito ka?
Jeremy: may binisita lang po ma'am.. At babalik naman na rin ako sa classroom ma'am...
Guro: Okkk.. Ahmmm pwede ba ilakad mo naman ako sa daddy mo.. Este kay Mr. Principal.. Na yung promotion ko ha?
Nagtinginan sa Guro ang mga estudyante..
Medyo nahiya ang guro at sinabing
Guro: Anong tinitingin tingin niyo? Pasok na kayo sa klase niyo!
Bumaling si Jeremy kay Bea.... At binigay ang chocolate.. At sinabing ibigay na lamang ito kay Carol.. Sabay kinindatan si Bea... Umalis na si Jeremy at ang mga tao sa paligid
Pagpasok ni Bea sa classroom.. Nakita niya si Carol na nagbabasa
Bea: Uy! Tapos na exams nagbabasa ka pa ren?
Jadie: Hindi yan hahah.. Baka nahiya kanina.
Iniabot ni Bea ang chocolate..
Jadie: Ang taray mo naman Carol!
Carol: Ha hindi no..
Bea: Hindi mo ba siya kilala? Siya kaya ang crush ng karamihan dito..
Jadie: si Jeremy Ramirez!
Carol: Oh? Kaano ano niya si Sir Ramirez?
Jadie: tatay niya si Mr. Principal!
May nag vibrate sa cp ni Carol chineck ito ni Carol..

***1NEW MESSAGE
UNKNOWN Number
Senya ka na ahh.. Nagulat ata kita

Bea: wow?? Si Jeremy yan?
Inagaw nila ang cp.. At binasa ito
Jadie: Replyan natin!!
Carol: Huwag!!
Nag agawan sila sa cellphone hanggang sa dumating na ang kanilang teacher... Buti at nakuha ni Carol ang cellphone niya... At hindi na ito nareplyan...
Teacher: Ok.. Ngayon magchecheck tayo ng papers at mag a-item analysis..
Nagcheck sila ng exam at pagtapos nito macheck.. Kinocollect ito ng kanilang guro at tinatanong kung sino highest...

Literature Exam.
Teacher: Ok what's the highest score?
Classmate: Si Carol po.. 59/60

AP Exam
Teacher: Highest?
Classmate: Carol po.. 56/60

Filipino Exam
Teacher: sino ang highest?
Si Leticia pala ang nagcheck ng paper ni Carol at mukhang ayaw niya pa sabihin... Kaya binanggit ito ng kanyang katabi.
Classmate: 58/60
Teacher: Sino?
Classmate: Si Fernandez...
Teacher: very good Carol... Halos ikaw ang highest scores.. Palakpakan natin siya...

Ngayon.. Napagod ang teacher magtanong kaya ang kanilang president na si Leticia ang kanyang pinatayo sa harap para magkolekta ng papel..
Trigonometry Exam
Leticia: 60?.....59....58...57?

Biglang may nagbigay ng papel...
Teacher: Sino?
Leticia: Si Carol po...
Walang kagana gana niyang binanggit...
Leticia: Wala na?.... Wala na??
Class: Wala na!
Inaantay sana ni Leticia na maging kapantay niya si Carol...
Leticia: 56?
May tumayo at nag abot ng papel...
Leticia: Yes! It's me.. 56 ma'am
Tuwang Tuwa siya na sinabi ito...
Palakpakan din sila kay Leticia dahil mahirap din talaga ang Trigonometry..

Physics Exam
Leticia: Ok. Kocollect na natin ang papers mula sa pinakahighest...
60? Ok. Wala...
Classmate: meron...
Inabot ito kay Leticia.. Namangha ang buong klase.. Hindi rin makapaniwala si Leticia sa nabasa niyang pangalan..
Teacher: Sino?
Class: Carol! Carol!
Leticia.. Hayy.. Si Carol ma'am...
Palakpakan ang lahat!
Sa MAPEH exam si Harold at Carol ang nanguna na may iskor na 58..
Sa TLE naman nila na Dressmaking. Si Leticia ang nanguna sa iskor na 54 samantalang si Carol ay 52..

Sila ay nag item analysis hanggang sa naging alas dose na ng tanghali...
Teacher: Ok. Pagpatuloy nalang natin bukas ang iba na hindi pa na a-item analysis.. Pwede na kayong umuwii...
Masaya ang klase dahil uuwi na...

Binati nila Bea at Jadie si Carol dahil sa matataas niyang score...
Bea: wow.. Sabihin natin kaya ito kay Jeremy? Ayiiieee..
Carol: Hay nakuu.. Ang gulo niyo talaga... Ohh! Yung chocolate.. Uuwi na akooo..

Hinabol siya nila Jadie at Bea na siya naman tinatawanan siya dahil pikon ito..

Itutuloy..

Sa Likod Ng Mga LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon