Chapter 5 - Carol Fernandez

15 0 0
                                    

*tok tok tok

Hector: pasok..
Badeth: Sir, wala po bang diaper sir? Umiiyak po kasi ang bata
Hector: doon sa cabinet ni Eloisa kumuha ka.. Pakibantayan muna ang bata ha.
Badeth: sige po sir.

Naglakad si Badeth papunta sa kwarto ni Eloisa.. Magarbo ang mansyon nila Hector, ang chandelier, ang paikot nilang hagdan ang maraming kwarto at ang mga litratong nasa dingding. Makikita sa dingding ang larawan nila Roberto, Elena, Irish at Hector nakangiti, magkakatabi sa iisang frame.
Pumasok na si Badeth sa kwarto ni Eloisa at ang bata ay umiiyak pa rin.. Kumuha siya ng diaper sa cabinet at isinuot ito sa sanggol... Natahimik ang bata at binigyan niya ito ng gatas na nasa bote.. Sinisipsip ng bata ang tsupon at unti unting nakakatulog..

Badeth: ang cute naman.. Sino kaya ang mama mo no? Sino kaya ang tunay mong magulang.. Grabe sila.. Iniwan ka sa bahay ampunan... Haaayyyy..

Ika-11 ng Abril taong 1995 ***

Kinaumagahan..
Nagising si Irish at napansing wala si Hector sa tabi nito.. Bumaba siya at binati ng kanyang mga kasambahay
"Good morning ma'am.."

Irish: Asaan si sir niyo?
Maid1: Nagkakape po sa gazebo kasama ang sanggol..
Irish: Okay.. Ha?? Sanggol??
Maid1: opo ma'am di po ba yung dinala ni sir kagabi..
Tumalim ang paningin ni Irish sa kasambahay at dali daling naglakad papuntang hardin. Natanaw niya si Badeth na may binabantayang sanggol.

Irish: Hector? Ipaliwanag mo to? Sino tong sanggol?
Hector: Ahm. Badeth ipasok mo muna ang bata sa loob.
Irish: sagutin mo ako. May kabit ka? Kanino galing yan? Magsalita ka!
Hector: huminahon ka nga?
Irish: akala ko'y panaginip lang ang kagabi yun pala totoo?! Pag nalaman to ng mga kasama mo sa business lagot ang ating kumpanya
Hector: bakit mo ba pinipilit na may kabit ako? Wala nga! Makinig ka galing ito sa bahay ampunan nila Sis. Lily.. Inabandona ng kanyang ina at nakita nila doon..
Irish: oh? Bakit mo naisipang mag ampon ha? Ano pumasok sa'yo? Hindi mo ba inaalala si Eloisa! Wag mong sabihing maging kwarto niya ang kwarto ni Eloisa ha? Di ako papayag!!
Hector: isang taon ng patay si Eloisa! Hindi pwedeng habang buhay tayo magluluksa!

Tumahimik si Irish at nagbuntong hininga.
Irish: wag mong ipapagamit yung mga lumang damit ni Eloisa ha? Kundi ibabalik ko yan sa bahay ampunan.
Hector: Nagpabili na ako kay Mang Luiz kaya wag ka na magbunganga dyan pwede ba?
Irish: Oh? Ano ang ipapangalan mo dyan ha? Lalakarin mo pa ang NSO nyan.
Hector: Carol... Siya si Carol Fernandez
Irish: Huwag mong aasahan na matatanggap ko yang bata!

Umalis si Irish at tumungo sa kusina..

Itutuloy...

Sa Likod Ng Mga LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon