Chapter 2- Conscience

20 0 0
                                    

6:00AM

Report sa TV..
Reporter: Mag-asawa ang patay sa sunog dito sa Quezon City. Namataang nasusunog ang kanilang bahay pasado alas tres ng madaling araw kanina. Halos hindi makilala ang mag-asawa nang matagpuan ito sa loob ng kanilang kwarto.
Police: Napag-alaman na si Roberto Reyes ay isang Veterinarian at ang kanyang asawa na si Elena ay dating sekretarya ng kumpanya. Base sa paunang imbestigasyon ay may nakasaksi na nag-aaway ang mag-asawa bandang alas dyis ng gabi.. At sa ngayon hinahanap pa ang kanilang anak.
Reporter: Natagalan ang pag-apula ng apoy na umabot ng dalawang oras. Palaisipan pa rin ngayon ng Pulisya kung nasaan ang bata..

Hininaan ni Hector ang tv sa kanyang opisina at siya'y umiyak.. Madilim dito dahil nakatakip ang makakapal na kurtina sa malalaki nitong bintana..

*tok tok tok
Nagpunas si Hector ng luha at sinabing
Hector: Pasok...
Bodyguard: Boss, malinis naming naisagawa ang sinabi mo.. Napalabas nating away mag asawa ang nangyari at...--
Hector: Asaan ang bata ?
Bodyguard: Ah boss hindi po ako ang natoka sa bata.. Si...
Hector: ASAAN ANG BATA?!
Bodyguard: ahm sir, hindi ko po natanong.. Pero on the way na po ata sa Bahay ampunan..
Hector: Siguraduhin mo lang at bumalik ka rito para balitaan ako.
Bodyguard: Opo boss...
Umalis na ang Bodyguard at dinukot ni Hector ang papel mula sa kanyang bulsa at tiningnan ito..

*kring kring kring
Sinagot ni Hector ang telepono at umupo..
Babae: Darling??
Hector: oh.. Irish.
Irish: bakit hindi ka umuwi ha???
Hector: Marami lang tinapos hon..
Irish: Bakit hindi mo sinasagot ang telepono ha?
Hector: Pagod lang... Nakatulog na kasi ako sa sofa.
Irish: Anong oras ka natulog?? Kasi alas dyis palang tumatawag tawag na ako ha?
Hector: Pwede ba Irish? Umagang umaga ha.. Huwag mong painitin ulo ko.
Irish: umuwi ka na! Mag day off ka. Linggo naman today.
Hector : May aasikasuhin ako. Sige na.
Irish: HAYS! Wala ka ng time sakin ha???..... Ayyy teka! Nanonood ka tv? Napanood mo yung balita? PATAY NA SI ROBERTO AT ELENA!
Hector: oo..
Irish: Naku!!! Kawawa naman! Yung anak nila hindi mahanap.. At alam mo darling.. Mukhang hindi totoong nagpatayan yun sila!
Hector: Mamaya na natin pag usapan okay.. Puntahan ko ang kamag-anak ni Roberto at bigyan natin ng tulong panlibing...
Irish: Bait talaga ng darling ko... Okay I love you!
Hector: Sige na..

At binaba na ni Hector ang telepono...

Itutuloy...

Sa Likod Ng Mga LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon