Chapter 30 - Kahihiyan

11 0 0
                                    

Si Irish ay nasa labas na ng building nang hinabol siya ng Principal... Maraming estudyante ang napatingin sa senaryong ito.
Principal: Ma'am Irish!
Nahinto si Irish sa pag lakad at lumingon sa Principal. Lumapit si Mr. Ramirez at nagpatuloy na nagsalita..
Principal: Ahh... Patawad po sa ginawa ng anak ko. Anuman po ang ginawa niya kay Carol ay lubos po akong humihingi na paumanhin... Sabihin mo lang ano ang gagawin ko para mawala ang galit ninyo basta wag niyo lang tanggalin scholarships ninyo sa paaralan na to...
Lumapit si Irish at sinabing
Irish: o sige... Sa isang kondisyon
.........

Si Carol ay nasa loob ng kanyang classroom nang may nagtawag sa kanyang estudyante.. At sinabing "Carol.. Pinapapunta ka ni sir Ramirez sa baba ng A Building..."
Bumaba naman si Carol at nakitang maraming tao... At nandoon si Irish, si sir Ramirez at Jeremy..
Irish: Carol! Anak! Halika at lumapit ka rito.
Lumapit si Carol at ipinaharap siya kay Jeremy.
Irish: Ngayon Jeremy... I paalam mo sa lahat ang ginawa mo at humingi ka ng tawad kay Carol.
Makikita sa mukha ni Jeremy ang hiya at ang pawis nitong mukha.. Nakita at nasaksihan din ni Leticia ang pangyayare.. Nagulat siya na nanay ni Carol ang isang tulad ni Irish..
Hindi umiimik si Jeremy at pinipilit na siya ng tatay niya magsalita..
Jeremy: Pa.. Patawad...
Irish: Sabihin mo muna ang ginawa mo sa anak ko!
Jeremy: Patawarin niyo ako at niloko ko si Carol..
Irish: Iba pa...
Jeremy: Ho?
Irish: Ibang term.....ang sabihin mo PINAGLARUAN ko ang damdamin ni Carol.
Nagulat ang mga estudyante dahil sa narinig nila. Pati mga guro ay nawalan na rin ng amor kay Jeremy.. Nahihiya na si Mr. Ramirez sa nangyayari ngunit ayaw niyang mawala ang mga scholarship na binigay sa kanila ng kumpanya ni Hector... At gagawin niya ang lahat para sa tinatag niyang Paaralan.
Jeremy: patawarin mo ako Carol dahil pinaglaruan ko ang damdamin mo...
Si Carol lamang ay nakatingin kay Jeremy na nakayuko at hiyang hiya sa kanyang ginagawa..
Irish: o sige, dahil mabait ako at ang anak ko.. Tinatanggap na namin ang sorry mo.. Diba Carol?
Carol: Aahhh..
Natagalan si Carol sumagot dahil hanggang ngayon masakit pa rin ang ginawa sa kanya.
Carol: Oo.. Pinapatawad na kita.
Irish: Mabuti at nagkaliwanagan na.. Ok? Oh mga estudyante at guro tapos na palabas ha? Balik na kayo sa inyong mga gawain...
Nagsialisan ang mga estudyante dahil inakay na rin sila ng kanilang mga guro naiwan sina Irish, Carol, Jeremy at Mr. Ramirez...
Lumapit si Irish kay Mr. Ramirez at sinabing...
Irish: Quits na tayo Mr. Ramirez.. Nasaktan ang anak ko. At napahiya ang anak mo... Don't worry I won't pull out the scholarship..
Tiningnan ng masama ni Irish si Jeremy at kinausap si Carol
Irish: See you at home darling... Muah..
Sumakay na ng sasakyan si Irish at umalis na...
Umalis na rin sa eksena si Mr. Ramirez at  Jeremy.. At naiwan si Carol...

Hindi makapaniwala si Carol... Habang papalayo ang kotse ni Irish.. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.. Hindi niya akalaing darating ang kanyang mommy.. Andami niyang katanungan.. "Paano nalaman ni mommy?" "Bakit naisipan niyang gawin yun?" ikinakaila pa ni Carol pero may naramdaman siyang tuwa... Dahil sa kauna unahang beses... Pinagtanggol siya ni Irish... Sa kauna unahang beses pumunta si Irish sa school.. Sa Kauna unahang beses nakita niyang nagalit si Irish dahil may umaway sa kanya... Bumalik na sa dati si Carol...
Nawala ang kalungkutan niyang dinadala.. Natutuwa ang kanyang puso... "ganto pala ang pakiramdam ng may pake na si mommy" nakita niya si Leticia sa gilid na hindi maipinta ang mukha sa gulat at mangha sa nangyari...
Inisnab ni Carol si Leticia sabay dumila.. At naglakad papuntang classroom...

Itutuloy...

Sa Likod Ng Mga LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon