Prologue

1.4K 59 0
                                    

Ando Teran

"Ma?"

"Pa?"

"J-j-jake?"

"Tri-trish?"

"Huy" mahinang untag niya sa mga tinawag niya "Huy... Gising na..."

Kahit nanghihina na siya ay pinilit niyang tapikin ang mga magulang at kapatid na nakahandusay sa sahig kasama niya...

Di na niya inalintana ang masaganang luhang dumadaloy sa mga mata niya...

"Pasensyahan nalang tayo bata" sabi ng lalaking may baril habang nakatingin sa kanya "Nanalo kayo sa lotto eh amin na itong pera niyo ha!"

Tumawa ito pati rin ang mga kasama nito...

Wala namang paki ang pamilya niya sa napanalunang pera...

Dagdag blessing na iyon kung sakali...

Bukal sa loob nilang ibibigay lahat ng ito kung kaligtasan lang ng pamilya niya ang kapalit nito...

Makakaya nilang mabuhay kahit wala ito...

"Huy gising na kayo..." pagpupumilit niya "Ma! Pa! Jake! Trish! Gising na please...
.
.
.
.
.
.
.
Huwag niyo akong iwan..."

Lahat kaya niyang lagpasin kahit anong pagsubok man niyan basta nandiyan lang ang pamilya niya...

Naghihintay...

Sumusuporta...

Humihinga...

"Ano ng gagawin ko kung iiwan niyo ako?" Naiiyak niyang tanong...

Hindi na niya alintana ang baling mga buto at dugo na dumadaloy na katawan niya...

Konti nalang ay mababaliw na siya...

Hindi siya makapaniwala na ang pamilya niya na mahal na mahal niya ay nakahandusay sa sahig nababalot ng dugo at kita sa dilat nitong mga mata ang kawalan ng buhay nito...

Panaginip lang ito...

Hindi ito totoo...

Bangungot lang lahat ng ito...

Gigising ako at makikita ko ang masayang mukha ng aking pamilya...

Gising!

Gising!

"Hoy" untag ng lalaki sa kaniya kasabay nito ang pagtapik sa kanyang ulo gamit ang dulo ng baril...

Inangat niya ang ulo at tinignan ang mata ng lalaking sumira sa buhay niya...

"Ano lalaban ka pa?" Sabi ng lalaki...

Tinignan lang niya ng masama ang lalaki...

Ito ang pumatay sa mga magulang at kapatid niya...

Hinding hindi kita mapapatawad!

Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong galit...

Kinuyom niya ang kanang kamay at buong lakas na sinuntok ang lalaki...

Nakailag ang lalaki at pinagtawanan siya kasama ang mga kalalakihang kasabwat nito...

Natumba siya sa sahig at nakaharap niya ang duguan at patay na mukha ng kanyang ina....

Napahagulhol siya ng iyak dahil wala siyang magawa para sa pamilya niya....

Iyak na lang siya ng iyak...

"Boss sibat na tayo baka maabutan pa tayo ng mga pulis..." Sabi ng isa sa mga lalaki...

"Boss dalhin nalang natin ang bangkay ng dalawang babae gusto ko matikman bago natin itapon" sabi ng mataba na kasama ng lalaki "Ang ganda.... ang sarap tinitigasan ako..."

Nabalot si Ando ng panibagong bugso ng galit at pandidiri...

"MGA HAYOP KAYO HUWAG NIYONG GALAWIN ANG MAMA AT KAPATID KO!!" galit na galit niyang sabi...

Sa munting natitirang lakas sa katawan niya ay tumayo siya at sinugod ang matabang lalaki...

Kinagat niya ito sa brasong ipinang ilag sa kanya...

"Gago kang bata ka!!" sigaw ng mataba "Ang sakit na bitaw! bitaw! bitaw sabi eh"

BOOOM

Tunog ng baril na pinutok sa ulo ni Ando...

The NecromancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon