I. Awakening

937 72 3
                                    

Ando Teran / Azrail William Price


MADILIM. Iyan lang ang nakikita ni Ando ngayon sa kanyang paligid. Kahit saan siya tumingin ay napapalibutan siya ng dilim.

Magsisimula na sana siyang mataranta at kabahan ng pinakalma na muna niya ang sarili upang makapag isip ng mabuti at mahinahon.

Ang huling naalala niya ay nanalo sila ng lotto. Kinuha nila ang pera at ng makauwi na sila ay sinugod ang bahay nila ng mga magnanakaw.

Biglang siyang nanlumo ng maalala niya na pinatay ng mga magnanakaw ang kanyang mga magulang at kapatid. Kahit nakiusap na sila na huwag na silang patayin at ibibigay nila ang pera na walang labis at walang kulang. Pero sa huli ay pinatay pa rin sila ng mga ito.

Naalala niya na bago siya mamatay ay kinagat niya ang isa sa mga kidnaper, iyong mataba, at ang biglang pagsakit ng likod ng ulo niya.

At eto nga, nandito na siya nagising.

Ibig sabihin sumunod na siya sa kanyang pamilya. Patay na din siya at Siguro nasa purgatoryo na siya.

Kung ganoon asan na ang mga kapatid ko? mga magulang namin? Tanong niya.

Sinubukan niyang tawagan ang pamilya o kung sino man na pwede niya mapagtanungan pero walang lumalabas na tinig sa kanyang bibig.

Dahil dito ay pinakiramdaman niya nalang ang paligid. Pero ang nakakapagtaka ay instead na lumulutang sa hangin o kawalan parehas ng space, kahit hindi niya alam ang pakiramdam, gaya ng expectation niya sa purgatoryo o pagiging espirito, ay parang napapalibutan siya ng tubig.

Weird?

Sinubukan niyang gumalaw. At laking pasasalamat niya ng nakompirma niyang nakakagalaw naman siya.

Sinubukan niyang istretch ang kamay at paa palabas. May nahawakan at natapakan naman siya na parang may harang.

Dahil madilim hindi niya makita kung ano ito pero nung pinahid niya ang mga kamay at paa sa harang ay naramdaman niyang ito ay...
.
.
.
.
Stretchable.

Ilang minuto niyang pinahid at ginalaw ang harang na ito ng maramdaman niyang parang meron siyang napunit. At pagkatapos ng ilang sandali ay biglang yumanig ang paligid niya

Hala earthquake sa purgatoryo? Pwede ba iyon? Tanong niya sa isip.

Hindi naman ito nagtagal ng humupa din ito. Ipinagsawalang bahala nalang niya ito dahil baka normal lang na ganito sa purgatoryo.

Sabi nila na ang purgatoryo ay lugar kung saan dapat pag isipan ang mga kamalian at kasalanang nagawa nuong nabubuhay pa ang isang indibidwal at dapat daw na humingi ng taos pusong pagpatawad sa Panginoon.

Pero sa halip na iyon ang gawin ay mas nag aalala siya sa kalagayan ng kanyang pamilya. At some point, parang napanatag din siya pagkatapos ng pangyayari, dahil this time payapa na sila ng kanyang pamilya at lalayo na sila sa kapamahakan at kalupitan ng mundo.

Nakakapanghinayang lang dahil nasira ang kinabukasan ng kanyang mga nakakabatang kapatid. At hindi niya rin desisyon kung gusto pa ba ng kanyang mga kapatid ang ipagpatuloy ang buhay. He can't be that selfish na idecide na mas mabuti na ang nangyari, baka may naiwang regrets ang kanyang mga magulang at kapatid.

Nasabi lang niya iyon dahil kahit masaya man sila sa lupa sa piling ng isa't isa ay hindi niya ito maipagtanggol sa mga pangungutya at pagmamalupit ng mga tao sa kanila bilang isang nakakatandang kapatid at panganay na anak.

Nakakakonsensya at nakakaawa din makita na nagsasakripisyo ang kanilang papa at mama para sa kanilang magkakapatid...

Sa pagpapakain sa kanila kahit gutom sila. Sa pag aasikaso sa kanila kahit pagod na sila. Sa pagpapaligaya sa kanila kahit pinapalungkot sila ng mga tao sa labas. Sa pagngiti at pagpapatawa sa kanila kahit nasasaktan na sila.

The NecromancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon