Dedicated to Shadow790897723157
Vaj
"Azrail-sama."
"Azrail-sama."
"Hoy Azrail-sama!"
Hindi na niya matiis ang pagkapikon niya sa lalaking nasa harapan niya. Anim na taon na ang nakakalipas simula nuong kopkupin sila ng pamilyang Price.
Hindi siya sigurado kung matutuwa ba siya o hindi, o di kaya lumipat ng bahay.
Tunay sa sinabi nito ay gusto talaga nito na mapagaan ang mga plano nito sa buhay.
Sa nagdaang mga taon, nang tumungtong sila sa pamamahay na ito ay masasabi nila na ito ang pinaka malaki na bahay sa nayong ito pero maliit at simple kung ikokompara sa bahay ng mga naging amo nila o sa kanino mang mga mayayaman sa syudad.
Akala talaga nila ni Hana ay pagiging alila ang magiging papel nila sa bahay na ito pero nang sinabi ni Azrail sa mga magulang nito na ampunin silang dalawa ay isang malaking pagtanggi ang kanilang binigay.
Naalala pa niya ang pag luhod at pagyuko nilang dalawa ni Hana sa sahig na huwag na huwag iyong gawin. Kinalakihan na kasi nila ang maglingkod at gagawin nila ito sa pamilyang Price bilang isang pasasalamat sa kabutihan nito.
Hindi nila ito malilingkuran kung magiging ampon sila ng pamilya. Sobra sobrang tulong na ang ibinigay ng pamilyang ito.
Kaya heto sila at pinaglilingkuran ang pamilyang Price pero sa nagdaan na mga taon ay isang malaking sakit sa ulo ang binibigay ng among si Azrail.
Ang bait bait ng mga magulang nito anong nangyari sa anak?
Napalingo nalang siya sa naisip.
Kahit naman masakit sa ulo ang binata ay mas maayos pa ito kaysa sa mga naunang amo nila. Heck, may saltik lang si Azrail pero hindi masamang tao.
"Ehhh" Sabay nguso ng amo "Gusto ko pa makalaro ang cute na mga kapatid ko eh!"
Napahilot nalang siya sa tinuran ng amo. Ang tinutukoy nito ay ang kambal nitong mga nakakabatang kapatid.
Sa ikadalawang taon nila ni Hana sa paglilingkod ng pamilyang Price ay inanunsyo ni Alaiza-sama na dalawang buwan na itong buntis.
Ang saya saya ng Price Village sa balita. Hindi niya alam kung may sayad o kung normal lang sa isang nayon na magpapyesta ang lugar dahil lang sa buntis ang asawa ng Village chief.
Sabagay, napakabait at napakamaalaga ng Ginang. Ito mismo ang pormal na nakikipag usap sa mga residente kung may mga problema man ito. Pamilya ang turingan ng mga residente dito kaya napangiti nalang siya.
Siguro nga tama ang desisyon niya na manatili sila dito.
"Azrail-sama kailangan na po magpahinga nila Liza-sama at Zaiam-sama. Kailangan niyo na rin po pumunta sa labas para sa sparring niyo ni Liam-sama." Napahilot nalang siya sa kanyang sentido dahil sa katigasan ng ulo ng amo.
Si Liza Taylor Price at Zaiam Tyler Price ang apat na taong gulang na kambal ng mag asawang Liam at Alaiza.
"Baj Baj Bad!" Cute na sigaw ng batang babae na naka pony tail.
BINABASA MO ANG
The Necromancer
Fantasy"Moving on doesn't mean you forget about things, it just means you have to accept what happened and continue living." Nanalo sa lotto pero namatay din si Ando Teran at ang kanyang buong pamilya dahil sa mga magnanakaw. Akala niya na tatanggapin na...