Nazrat Barber
They are not bad at all.
Ito ang iniisip niya habang kumakain.
Sino ba ang mag-aakalang makakausap niya ang prinsipe. At kilala nito ang papa niya.
Ang sipag at tyaga ng papa niya ay nakakaabot sa Inner City, Ang syudad ng Sias.
Kahit inaasar siya ni Azrail ay nagpapasalamat siya dito at namamangha sa kapal ng mukha at katapangan nitong makipag-usap sa prinsipe ng Sias na parang normal na magkaibigan.
Minsan naiinggit siya sa lalaki dahil sa taglay nitong tapang at kompyansa sa sarili.
Kaya ko naman makigpagkaibigan sa prinsipe o kahit na sinuman minalas lang talaga ako kay Gerald.
Pagdadahilan niya.
Sa kabuoan ng lunch period ay kahit papaano ay gumaan ang loob niya sa tatlong lalaki.
Si Prinsipe Tristan, akala niya isa itong suplado, mayabang at malamig na tao.
Pero sa nauunawaan at nakita niya kanina ay mapaglaro, pilyo, at malungkot.
Narinig niya sa papa niya na simula ng tumuntong ito sa edad na walo ay tinanggihan na nito ang mga kaibigan na pinakilala dito.
Simula noon ay hindi na uli ito nakipagkaibigan pa at pinagtuunan ng pansin ang pag-aaral upang maging hari.
Hindi niya alam kung anong nangyari at biglang parang buntot na sumusunod ito kay Vaj.
It really is an honor to be in his highness group.
Pero mas gwapo pa rin siya sa prinsipe, kung blonde lang din sana siya...
Si Vaj naman, akala niya tahimik, wala masyadong pakialam, at palaging seryuso ang taong ito simula ng makita niya ito.
At totoo nga.
Pero nakikita niya dati pa na matapat ito sa amo niya, sa kaabnormalan ba naman ng amo nito, sigurado siyang maraming sakit sa ulo ang binigay nito sa kanya.
He is also very hardworking.
And lastly, si Azrail. Sira ulo, gago, tarantado, buong umaga siya nitong inaasar. At ilang beses na siyang pinapagalitan ng mga Prof. dahil dada ng dada si Azrail sa kanya.
Napaaway pa siya sa babaeng tinapunan ng papel ni Azrail sa unahang hanay. Siya ang sinisi ng gago.
Mag-asawang sampal ang natamo niya kanina.
Ang dahilan ng gago, bored siya.
Pero minsan may napapansin siya dito. Masasabi niyang matalinong tao si Azrail. At higit sa lahat, alam niyang malakas si Azrail.
Pero he's a warrior and ranked low in the physical exam.
Hindi niya alam kung anong nangyari pero kung mahina ka dapat hindi ka aakto na parang walang mali.
Its either he's hiding his strength or he is just stupid.
Overall all of them are great people.
Nang matapos ang lunch ay bumalik na sila sa klase.
Iba iba ang room for each class kaya sinasanay pa nila kung anong room ang mga klase nila.
Kahit inaasar at kinukulit pa rin siya ni Azrail ay maayos naman ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Necromancer
Fantasy"Moving on doesn't mean you forget about things, it just means you have to accept what happened and continue living." Nanalo sa lotto pero namatay din si Ando Teran at ang kanyang buong pamilya dahil sa mga magnanakaw. Akala niya na tatanggapin na...