XXVIII. First Base

413 44 1
                                    

Hi! First time ko magsulat ng more than 3k words! Just trying something new. Thanks!

Azrail William Price

Dahil sa biglang pahayag na posibleng maging retainer ang isa sa mga boss ng Black Society ay napatigil siya.

Kimon Hastings has potential to be retainer: Sloth.

Yes or No

He's a murderer and is very intent on continuing his evil days.

Paanong pwede itong maging retainer niya?

Anong gagawin nila para mapunta ito sa panig nila?

Parang imposible yata.

Habang natigilan siya ay kinuha itong tyansa ng mga alipores nito na hawakan siya at igapos.

Hindi naman pumalag si Vaj ng gawin din ito sa kanya. Nakatingin lang ito sa kaniya at naghihintay ng hudyat.

"Put them in their cell!" Utos nito sa mga alipores nito. "I will prepare their personal rooms."

Hindi niya nagustuhan ang madilim na ngiti nito sa kanila. Alam niyang walang magandang maidudulot ito sa kanila mamaya.

Kailangan na niyang makaisip ng paraan upang makaalis sila at makuha nila ang loob ni Kimon o di kaya ay kidnapin na lang ito hanggang sa magbago ng tuluyan.

Pwede ba iyon?

Si Lake mismo ang naghatid sa kanila sa kanilang selda. Bumaba sila gamit ang hagdan.

"Gaano ba ito kalalim?" Nasa underground na sila at may ilalalim pa ito.

"That's for us to know and for you to find out." Mayabang na saad ni Lake na busy sa pagtawa sa kanilang kalagayan.

Soon.

Sa wakas ay huminto na sila sa ikalimang palapag sa underground na ito. May kulay itim na pinto at sa likod nito maririnig ang mga ungol at sigaw ng mga tao.

Nagkatinginan sila ni Vaj. Anong meron dito?

Nang buksan ni Lake ang pintuan ay mas lumakas ang mga boses ng pagmamakaawa, pagkadesperado at kalungkutan sa buong silid.

Straight lang ang daan at sa gilid ng daan ay mga selda.

Ang daan na tatahakin nila ay may bakas ng itim na mantsa. Halos takpan na ang kulay brown na daan ng ganitong mantsa.

Sa unang dalawang selda na daanan nila sa maghihiwalay na bahagi ng daan, ay nanlamig siya sa nasaksihan.

Sa kaliwang selda ay may apat na hubad na mga magagandang dalaga na sa tingin niya ay kaedad lang niya. Nakaupo lang ito sa sahig at nakatingin sa kawalan.

Ang pulsuhan ng mga ito ay nagkukulay lila at itim na. Ang mga leeg ng mga ito ay ganun din at ang pasa na ito ay hugis daliri sa kamay.

At ang mas nakakasuka ay ang nagdudugo nitong mga ari.

Kahit si Vaj ay napanganga sa karumaldumal na eksena at dahan dahan na nagpapakita ng ugat sa bandang sentido nito.

Sa kanan naman ay mga nasa gulang na babae na nakahubad din kagaya ng nasa kaliwa pero ang nakakawindang dito ay sumisigaw ito at umiiyak ng kung kailan ba daw sila gagamitin o anuman.

Sa mga selda na sumunod ay marami pa silang nakita ni Vaj na kahit kailan hindi niya pa nakita sa tanang dalawang buhay niya.

Mga grupo ng mga lalaki bata man o matanda na nasa isang malaking selda na halos puno na ng pasa ang buong katawan at bakas dito ang pagod sa mukha nito.

The NecromancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon