Azrail William Price
Ngayong binanggit ito ngayon ni Crown ay naalala niya na he can make the dead his retainer as long as bago pa lang ito namatay.
Hindi nga lang niya nagamit kay Hana dahil ang sabi ni Crown na hindi na si Hana ang mabubuhay kundi isang bagong ego na may memorya sa host nito.
He doesn't want that but, now, the situation is kind of perfect.
Lumapit si Vaj sa kaniya. "Azrail-sama, ano po ang tinitignan niyo?"
"Pwede ko pa rin siyang maging retainer." Nang makita niya na magrereklamo si Vaj ay nagpaliwanag agad siya. "Vaj naalala mo pa ba yung usapan natin dati sa kweba na pwede ko bang buhayin si Hana?"
Bumakas man ang lungkot sa mukha nito ng maalala ang masakit na pangyayari ay nangunot ang nuo nito sa tinuran niya, mukhang nakalimot na ito. "That I could revive Hana pero mapapalitan ito ng bagong ego kaya kung mabubuhay man si Hana ay hindi na siya si Hana."
Tumaas ang kilay ni Vaj."So bubuhayin mo ang gago na ito pero hindi na siya ang mabubuhay kundi ang ego ng Sloth na retainer?"
Tumango naman siya.
"Sabagay his life force is already ours and his soul is within your hands." Nangunot lalo ang mukha nito. "I hate it but it will greatly benefit us at mas makakapagkatiwalaan pa ito kaysa sa iba kung ang blank ego ni Sloth ang papalitan."
Ngayon na nakuha na niya ang permiso ni Vaj ay magsisimula na siya. Kung nandito lang si Nazrat ay kukunin din niya ang opinyon nito dahil gusto niya na malaman ng mga kasamahan niya na nirerespeto niya ang mga ito.
"Ikaw na muna bahala sa mga myembro ng Black Society dito, tiyakin mo ba walang makakalabas." Utos niya, mahirap na baka magsumbong ito sa iba pang branch ng organisasyon.
Hindi pa siya nasa peak ng kanyang lakas.
Naalala pa niya iyong nagagalit siya sa mga bida ng mga napapanuod niya dati, dahil hindi nila nilalabas lahat ng mga secret power nila para matapos na ang laban.
Iyon pala ay delikado basta malaman ng mga kalaban ang lahat na meron ka, kaya nga tinawag na final move, kasi kapag inilabas mo ito at hindi siguradong matatalo mo ang kalaban sa move na iyon ay sa susunod pwede niya itong macounter.
"I already consume a lot of magic power by reinforcing the whole place with Earth Dome." Napangiti siya sa kaibigan, very efficient.
"Okay then." Nagsimula na siya para sa ikatatlo niyang retainer.
Tignan niya ulit ang bangkay ni Kimon.
Kailangan ba niyang ilapit ang ulo nito para kapag nabuhay ito ay may ulo pa rin ito?
Nagkibit balikat na lang siya.
Here goes nothing.
Kimon Hastings (Corpse) has potential to be retainer: Sloth.
Force Insert New Ego
Yes or No
Yes
Sa pagkompirma niya dito ay may lumitaw ulit na dyamante na napapalibutan ng itim na usok. Bumaon ito sa kaliwang braso ni Kimon.
Ilang sandali ay biglang nangisay ang katawan ni Kimon, unti-unting napalibutan din ito ng itim na usok at lumutang sa ere.
BINABASA MO ANG
The Necromancer
Fantasi"Moving on doesn't mean you forget about things, it just means you have to accept what happened and continue living." Nanalo sa lotto pero namatay din si Ando Teran at ang kanyang buong pamilya dahil sa mga magnanakaw. Akala niya na tatanggapin na...