XXVI. Catastrophe

417 43 1
                                    

Azrail William Price

"Kailangan ba talaga natin ang Black Society?" Pangungulit na tanong ni Vaj. Suot nito ang dragon na maskara at itim na damit na binili nito kanina. Habang siya naman ay may bungo na maskara. Tamang tama sa gagawin nilang pag-iimbestiga. "Kapag nalaman ito ni Alaiza-sama, lintik lang na walang ganti."

Siya na nakasandig sa punong malapit sa mansyon ng mga Kensworth, ang pamilya ni Gerald, ay pinagpawisan ng malagkit.

Ang mama niya ay napaka butihing may bahay. Matulungin at mapagbigay sa mga residente.

Pero ang bagsik at tapang nito kapag may ginawa kang mali ay walang katulad, kahit ang halimaw niyang papa ay takot dito.

"Vaj wala dito si mama at wala siyang alam, kapag wala siyang alam hindi tayo mapapano." Kahit sinabi niya ito ay may bakas pa rin ng takot ang mukha at pananalita niya. "Besides there are benefits if we were to conquer it."

"What if ang papa ni Gerald ang ulo ng Black Society?" Napahinto siya sa sinabi nito. "Sa narinig ko kay Naz, malaking tao ang babanggain natin. We don't know much. Ikaw na nagsabi dati hindi tayo dapat nagmamadali baka mabulilyaso tayo sa gagawin natin."

Nanlilisik ang mata niya sa sinabi nito. Binalik lang naman nito ang sinabi niya isang taon na ang nakakalipas. Kailan pa ito natutong sumagot ng ganito. Asar.

"Okay!" Pilit siyang ngumiti sa lalaki. "We'll 'just' investigate at kapag delikado na at aalis na tayo, areglo?"

Napanatag naman si Vaj sa sinabi niya at binigyan na naman siya ng buntong hininga.

Nandito sila ngayon sa syudad ng mga Kensworth, ang Slagter City. Sikat ang syudad lalong lalo na ang mga Kensworth sa pagkakatay ng mga hayop at mga halimaw.

Materials and food na galing sa mga nilalang na ito ay ibinabahagi sa iba't ibang bahagi ng teritoryo ng Sias sa iba't ibang din na presyo.

Nalaman niya ang mga inpormasyon na ito salamat kay Leonard.

Sa ilalim ng puting buwan, nag-aabang lang sila ni Vaj na kumilos ang papa ni Gerald.

At hindi nga sila nabigo dahil sa gitna ng gabi ay nakita niya gamit ang mata ng mga wraiths ang pagbangon ng lalaki sa kama ng asawa nito.

"Maghanda ka Vaj." Pukaw niya kay Vaj. "Aalis na siya."

Tumango si Vaj at biglang pumikit.

Beta Charlie

Nalilitong nabaling ang tingin niya kay Vaj dahil sa sinabi nito.

Magtatanong sana siya kung anong ginagawa nito ng biglang may apoy na lumabas sa harapan niya at may namumuong maliit na bundok sa lupa.

Nanlaki ang mata niya dahil sa apoy may lumabas na isang klase ng ibon at sa lupa naman may lumabas na wolf.

Ang malaasul na aninong ibon ay may paikot na nga marka sa buong katawan nito at ang puting lobo naman ay may asul din na ilaw na bumabalot sa buong katawan nito.

Napanganga siya sa kaganapan sa harapan niya.

"Ang lobo ay si Beta at si Charlie ang ibon, they're my retainers." Pormal na pagpapakilala nito. "Meron din ako leon si Alpha."

"Bakit ngayon ko lang to nalaman?" Palagi naman ito nag-uulat sa mga ginagawa nito, and this is an amazing find. "Kailan mo ito nakuha at hayop ang retainer mo?"

Now that he thinks about it wala nga namang sinasabing tao lang ang pwede maging retainer.

Siya nga ay pwede niyang maging retainer ang mga patay.

The NecromancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon