I would like to thank you guys for reading never thought it'll reach 500 reads and over 10% votes from you guys. Its an achievement for a beginner like me so thank you!!
Azrail William Price
Mabuti na lang ay pagkatapos nitong umalis sa dome ay may bagong professor na pumalit dito.
"Uhm Ha-Hi! A-ako ng-nga," tumikhim ito at pinakalma ang sarili. "Sorry, I am a Prof.-in-training called Blade. Uhm Prof. Rex asked me to proctor for the remaining of the exam because of... some urgent matters?"
Nagtataka si Azrail kung ano ang nangyari at bigla na lang itong tumakbo pero mabuti na lang at may pumalit dito, kundi baka mapikon siya.
May lakad pa naman sila mamaya.
"Uhm so did you guys finish your physical exam?" Kinakabahang tanong nito.
Gustong pakalmahin ni Azrail ang lalaki dahil parang kabadong kabado ito. Marahil ay bago lamang ito sa akademya at hindi pa sanay sa trabaho nito.
Nabaliktad yata ang sitwasyon.
"Prof. ako na po ang susunod, tapos na po ang kaibigan ko." Magalang na sagot ni Azrail. Mabuti naman na tao ang professor na nasa harapan nila.
Napakurap ng mabilis ang professor at nag-aalinlangan na sumagot. "Sige, anong pangalan mo?"
"Azrail William Price po." Nakangiting sagot niya.
Ngumiti ang professor, at least nawala ang kaba nito.
Sinenyasan siya ng professor na atakihin na ang target.
Si Azrail naman ay huminga ng malalim at binulong ang gagamitin na pinakamalakas na skill na alam niya bilang warrior.
Pugno di Apophis
Ang skill na ito, Fist of Apophis, ay isa sa mga natutunan niya sa isang taon na paghahanda. Binigyan siya ng papa niya ng isang punit punit na libro na naglalaman ng lahat ng skill ng isang Warrior.
Nagalit nga siya dahil bibigyan na nga lang siya ng libro punit punit pa.
Napalibutan ang kamay ni Azrail ng puting liwanag, tila hinihigop ng kamay niya ang puting enerhiya sa paligid hanggang sa naging puti ang kamay niya at naghugis ulo ng ahas ang puting liwanag na patuloy na hinihigop nito.
Hindi makapaniwala ang mukha ng professor, kahit kailan hindi niya pa ito nakita sa tanang buhay niya.
Pumusisyon si Azrail sa harap ng pader at bigla itong sinuntok.
*Boogsh*
Biglang napalibutan ng itim na usok halos ang buong dome.
Naghintay sila na humupa ang usok.
Ng humupa na ito, nasira na ang pader at si Azrail nalang ang natira sa gitna.
Ang mukha ni Azrail ay hindi maipinta. Hindi niya alam kung nasira ba niya ito dahil sobrang lakas niya o nadiperensyahan ito ng suntukin ni Vaj kanina.
Pero bigla siyang nanlumo nang may narealize siya.
Babayaran ba niya ang pader na iyon?
Pinagpawisan siya ng malagkit.
Sigurado siyang mahal ang pader na iyon.
Lumapit ang professor sa kanya. Akala niya papagalitan siya nito at pagbabayarin sa nasira niya.
Nag-iisip na siya ng pwedeng ipanglusot para hindi siya makabayad.
Naisip niya na kasalanan ng akademya kung gumagamit ito ng depektong mga kagamitan.
BINABASA MO ANG
The Necromancer
Fantasy"Moving on doesn't mean you forget about things, it just means you have to accept what happened and continue living." Nanalo sa lotto pero namatay din si Ando Teran at ang kanyang buong pamilya dahil sa mga magnanakaw. Akala niya na tatanggapin na...