XXII. First Day

415 47 2
                                    

Nazrat Barber

"Let me guess, gumugupit ang pamilya niyo?" Tanong ni Azrail, isang lalaking nakilala niya kanina sa akademya.

Nangunot ang nuo niya sa sinabi ng lalaki.

"H-hindi," Nagtatakang sagot niya. "Nagtatrabaho ang papa ko bilang secretary sa isang malaking distributor at nag-aayos ng mga karwahe."

Secretary man ang papa niya ay naging matalik na kaibigan nito ang amo. Palagi ngang bumibisita at nakikikain ang amo nito sa bahay nila.

Sa ngayon ay kumakain sila sa isang kainan malapit sa akademya.

Hindi siya komportable sa dalawang lalaking nasa harapan niya nuong una niya ito nakilala kanina.

Pero hindi ito kagaya ng ibang mga estudyante na mayabang at masyadong mataas ang tingin sa sarili.

"Ganon ba," Sabay higop sa inumin nito gamit ang straw. "By the way, anong nangyari kanina? Kung mayaman ka naman pala, bakit nagpapakaalila ka kanina?"

Natigilan siya sa sinabi ni Azrail.

Umiwas siya ng tingin dito dahil kahit siya galit sa sarili niya dahil sa pinanggagawa niya.

Matalino siyang tao.

Malakas din siya bilang isang mage.

Maganda rin ang pangangatawan niya.

Mayaman siya.

Gwapo rin siya.

Hindi niya deserve ang nangyayari sa kanya. Hindi niya dapat ginagawa ang gawain ng isang alila.

Kung tutuosin pwede niyang ilampaso ang pagmumukha ng gagong iyon.

"Bakit hindi ka umangal sa lalaking iyon?" Nakakainis na payo at tanong ng lalaking nagngangalang Azrail.

"Salamat sa payo pero I know what I'm doing. Hindi mo na ako kailangang pangaralan sa dapat at hindi dapat kong gawin." Hindi man niya sadya ay nasabi niya ito ng may bahid na pagkainis.

Nanlaki ang mata niya sa inasal niya at tumingin sa lalaking nasa harapan.

Hihingi na sana siya ng tawad ng makita niya itong nakangiti.

Binigyan niya ito ng nakakalitong tingin.

"Don't mind," Winasiwas nito ang kamay tila sinasabing wala lang talaga ang sinabi niya. "May masama kang ugali pero pinipilit mong huwag itong ilabas."

Tumawa lang ito ng konti.

"Anong pinagsasabi mo?" Nalilito na siya sa lalaking nasa harapan. Di ba mas maganda iyon?

At paano nito nasabi ang iyon na parang siguradong sigurado ito na may masama siyang ugali.

Close na ba sila?

"Nothing, someone or something just suddenly told me of your bad attitude." Misteryosong saad nito. "Well more like, pop up than told me." Mahinang bulong nito pero dinig pa rin niya.

Bigla na lang itong tumayo at inaya siyang lumabas. Sila na rin ang nagbayad sa kinain nila.

Pero nag-away pa sila kung sino ang magbabayad.

Pinilit niyang siya na ang magbabayad dahil may ipambabayad naman siya, hindi siya dukha.

Pero nagpumilit pa rin ito, hanggang sa si Azrail na ang biglang nagbigay ng pera sa waiter.

Nainis man sa ginawa ng lalaki ay sumama pa rin siya sa mga ito.

"Dahil secretary ang papa mo sa isang business, does that mean na you are under a Merchant's Guild?" Pang-uusisa nito.

The NecromancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon