XI. Necromancer

486 47 3
                                    

Azrail William Price

"Ha-Hana?" Nabaling ang atensyon ni Azrail sa likod niya kung saan sila ni Vaj at Hana.

Gulat at kabado man ay agad naman siyang lumapit upang tignan ang pulso ni Hana. Nagbabasakaling pwede niya pa itong mailigtas.

Mariin siyang pumikit at umaasa kahit isang pulso lamang o kahit mahina na pwede niyang kunan nang pag asa.

Pero wala.

Napaluha na naman siya at halos dakmain niya ang dibdib sa sakit na nararamdaman.

Parang mabibiak na yata ang puso niya ngayong araw.

Una ang nayon.

Ikalawa si Manang Teba.

Pangatlo si Hana.

At may hula na siya kung sino ang susunod... si Vaj.

Alam ni Azrail na masakit ang pagkawala ni Hana tinuring na niya ito bilang isang kapatid pero ang sakit na nararamdaman ni Vaj ay sobra pa sa sakit na nararamdaman niya.

Simula't sapol si Hana na ang kasama ni Vaj. They mature together fast despite their age because of the circumstances they faced. They were each other's rock.

And along the way their love grew even bigger.

Now she's gone.

Alam na alam din niya ang pakiramdam pero hindi niya ito masabi at maibahagi dahil ang tinutukoy ni Azrail ay ang una niyang pamilya.

And even if he told him that he understands because he's an reincarnator and experience it in his previous life. It would sound indifferent and absurd, like trying to make him feel worst than being sympathetic.

Masakit mawalan ng taong matagal mo nang nakilala, taong halos buong buhay mo nandiyan na siya, at taong mahal na mahal mo nang taos puso.

Tapos biglang mawawala habang buhay.

Azrail knew that.

Hindi niya alam kung kakayanin ito ni Vaj.

"Vaj..." Nanginginig na tumingin si Vaj sa gawi niya.

"Ayos lang siya di ba?"

Nagdadalawang isip si Azrail kung magsisinungaling ba siya o hindi, kita niya sa mukha nito na nagmamakaawa na sabihin na okay lang ang lahat.

But he can't do that, he needs the truth kaya umiling na lang siya sa tanong nito at napayuko.

Hindi matanggap ni Vaj ang nangyari kay Hana. Nahihirapan siyang hagilapin ang katotohanan.

Vaj's mind is rejecting the truth.

Tinapik ng dahan dahan ni Vaj ang pisngi ni Hana. "Mahal? gising na?"

Hinalikan nito ang nuo nito. "Mahal? Hindi na maganda ang biro na ito, gumising ka na, hah?"

Inilagay ni Azrail ang kamay sa likod ni Vaj.

The NecromancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon