XXXII. New Death

429 47 8
                                    

Sorry nagpahinga ako for 2 days...
Not really feeling well ang sakit sa ulo hahaha...
Anyway thank you sa pagbabasa!!

Azrail William Price

"Tapos na rin!" Wika niya pagkatapos niyang ayusin ang format ng lugar.

"Are you sure to save the format changes in your new dungeon?" Tanong ni Death sa kanya ng mahanay na niya ang gusto niyang pormat at function ng lugar.

"Yes please!" Sagot niya.

"Ano na naman ito?" Napapagod na tanong ni Nazrat tila napagod ng magulat at magtanong sa mga nangyayari kagaya ni Alexander.

May nangyayari na naman kasi at ito ay ang biglang paglusaw ng mga gamit at pader sa palapag na ito.

Nang malusaw na ang mga ito may mga tumubong mga bagong selda, pader at mga kwarto sa palapag na kinaroroonan nila.

Ang palapag ay mas lumawak.

Ang mga selda ay ay maliban sa pagbabago ng arrangement ng mga ito dahil sa dagdag na laki ay nadagdagan pa ang mga ito.

May kasama na rin itong canteen at palikuran sa gilid ng silid.

Nakapwesto na sila ngayon sa gitna ng silid kung saan napapalibutan ito ng mga bagong selda.

Sa likod nila ay may isang malaking platform na bilog na pinapalibutan ng mga railings na gawa sa buto. May parte na hindi nalagyan ng railing at naka lagay dito ang hagdan pababa.

"Scanning all unknown individuals in the dungeon..." Ulat ni Death.

Tignan niya sina Nazrat at Alexander na walang ekspresyon sa mukha habang may pulang straight na ilaw na gumapang sa kanila mula sa ulo hanggang paa.

Si Vaj naman ay napangisi sa dalawa na tila ineenjoy ang reaksyon ng dalawa.

"Individuals have retainer gems of the owner. Would you like to give entry to these individuals?"

"Yes." Sagot niya dito.

Scanning Voice Recognition...
Scanning Fingerprint...
Scanning Facial Recognition...
Scanning DNA...

Individuals Identified
Nazrat Barber, Retainer: Pride
Kimon Hastings, Retainer: Sloth

"Welcome Master Barber!" Pagbati nito kay Nazrat na tinango lang ng lalaki, marahil pagod na talaga ang isip nito sa nangyayari at tinanggap na lang lahat.

Some individuals doesn't have any identifiers that they are related to the owner. Would you like to give access to these people?

"Death, can you scan their profile first?" Tanong niya dito. "And if possible can you add some pictures?"

"Of course Master Price." Magalang na pagsunod sa utos niya.

Scanning Voice Recognition...
Scanning Fingerprint...
Scanning Facial Recognition...
Scanning DNA...

Hindi pa man naabutan ng mga limang minuto ay tapos na ito sa scanning.

Inilista nito lahat ng mga pangalan at picture ng mga ito. Sinisiguro niya na walang mga bilanggo na naiwan sa  pagbago niya sa lugar.

May uniform naman lahat ng alipores ni Kimon kaya madaling makilanlan.

Natagalan din siya ng ilang minuto bago nasiguro na walang mga nahalo na hindi sangkot dito.

The NecromancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon