Azrail William Price
"Ang Sarap! Amazing! Ito ba ang kinakain ni Liam araw-araw? Ang swerte naman ng gagong iyon!" Masayang pahayag ni Claude, ang kaibigan ng papa niya, ayon sa pagbati ng mga ito dito kanina.
Hindi na ito nakapagpakilala ng maayos kanina at hindi na rin nagpakilala si Azrail dahil bigla itong pumasok sa hapag kainan.
Tila sinusundan ang amoy ng pagkain.
Ininbita niya itong kumain bago makipag-usap. Masyadong sigurong gutom.
"Pagpasensyahan mo na ako iho dahil mahilig talaga ako sa masasarap na pagkain. Pinakapaborito ko sa lahat ay ang asawa ko." baliwalang pahayag nito.
Sumunod doon ang isang awkward na katahimikan.
"Uhm Sir Claude?" Tawag pansin ni Azrail. "Ako nga po pala si Azrail William Price at ito naman po si Vaj kaibigan ko." sabi nito pagkatapos nilang kumain.
Siya na ang nagpakilala hiyang hiya naman siya sa lalaki.
"Ahh sorry how rude of me," nakayukong paumanhin nito. "I am Claude Augustus von Sias."
Napa-ahh sila Azrail at Vaj pero pagkalipas ng ilang segundo ay napatingin uli sila dito. Sias?
"Uhm, Sias?" Napaisip si Azrail, karamihan sa mga teritoryo nakapangalan sa nagmamay-ari nito gaya ng nayon nila.
Ibig sabihin...
"Kayo po ba ang hari ng teritoryong ito?" Namamanghang tanong ni Azrail.
Bumulwak naman ng tawa ang lalaki sa harapan niya.
Naguguluhan naman si Azrail. Napatingin siya sa paligid niya. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata at pagtuwid ng upo ni Vaj, habang ang mga kasambahay ay tensyonadong tensyonado.
"Azrail nagmana ka talaga sa ama mo!" Natatawang saad nito. "Hindi ka man lang kinabahan ng malaman mo na ako ang hari ng teritoryong ito?"
"Kinabahan naman pero mas namangha ako at mas nagulat dahil nandito ang hari sa harapan ko." Tumingin si Azrail derecho sa mata ng hari. "Wala naman akong ginawang masama at hindi naman ako nawalan ng galang sa inyong harapan mahal na hari."
Kung tutuusin mas walang galang nga ito kay sa kanya dahil hindi nga ito nagpakilala at dumerecho sa kusina.
"Namana mo nga ang katapangan ng iyong ama." Natutuwang puna nito sa kanya.
Maraming tanong si Azrail sa kanyang isipan at pinag-isipan muna niya ang karapatdapat na tanong. Ang tanong na sasagot sa karamihan ng mga tanong niya.
"Paano po kayo nagkakilala ng papa ko, Claude-sama?" Ligtas na tanong niya.
Sa pamamagitan nito ay masasagot na kung paano iniligtas ng papa niya ang hari, paano naging magkaibigan ang mga ito, at bakit hanggang ngayon tinutulungan pa rin nito ang papa niya.
"Please, Uncle Claude na lang. Your father is like a brother to me." He smiled.
Tatanggi sana siya ng itaas nito ang kamay nito hudyat para pigilan siya.
Then Uncle Claude it is... hindi naman ako tagarito...
"Nakilala ko ang ama mo dahil iniligtas niya ako sa isang halimaw na biglang nakawala dito sa Sias." Seryosong sagot nito. "And I owe him my life."
BINABASA MO ANG
The Necromancer
Fantasy"Moving on doesn't mean you forget about things, it just means you have to accept what happened and continue living." Nanalo sa lotto pero namatay din si Ando Teran at ang kanyang buong pamilya dahil sa mga magnanakaw. Akala niya na tatanggapin na...