Vaj
Unang beses nila makakain ni Hana ng pagkain na hindi galing sa basura o tira ng amo nila dati. Masarap at nakakabusog. Kung tutuosin parang ito ang pinakauna nilang matino na kain simula nung nagkaisip sila.
Pagkatapos nilang kumain at nabusog ay nakipag usap na ang batang nagpakain sa kanila, si "Azrail-sama". Dahil pinakain siya nito ay may hiya naman siya kahit papaano at hindi na siya nagsungit sa lalaki.
"Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo na gusto mo na mabawasan ang trabaho mo? Gusto mo ba ng alila para makatulong sa inyo?" Mahinahon na tanong niya sa lalaki, walang halong galit o panghuhusga.
"Hindi no!" Tanggi ni Azrail sa tinuran niya "Pero parang ganun na nga, pero mamaya na natin iyan pag usapan sa bahay may pupuntahan pa ako, sundan niyo ako at ipapasyal ko na rin kayo sa lugar namin."
"Huwag na po Azrail-sama susundan na lang po namin kayo," mariing tanggi ni Hana kay Azrail "Hindi na po ninyo kailangan kaming ipasyal!"
"Walang problema dun kasi kailangan niyo din mapamilyar ang lugar dahil baka maligaw kayo." paliwanag ng lalaki sa dalawa. Napatingin nalang sila sa isa't isa at pumayag kasi tama naman ito "At Azrail nalang itawag niyo sakin."
Doon na sila mariing tumanggi, kahit siya na may pagkamaangas at mainitin na ulo ay alam ang salitang estado. Alam niya na sa estado niya sa buhay, langit at lupa ang agwat nila ni Hana kay Azrail.
Nakita niyang napabuntong hininga nalang ang lalaki sa pagtanggi nila. Nawe-weirduhan talaga siya sa lalaki dahil parang ayaw nito na tawagin siya sa nararapat nitong itawag sa kanya. Kadalasan sa mga ganitong mga maharlika o noble ika sa mga nasa syudad, ay kulang nalang ay mag lagay ng karatula sa mga noo nito na may nakasulat na MAHARLIKA KAMI DUKHA LANG KAYO.
"Sige isasauli ko lang itong mga libro na ito kay Manang Teba pagkatapos ko makipag usap sa matandang iyon ay uuwi na tayo para ipaalam ko kayo kay mama at papa." sabi nito sabay tayo palabas ng kainan.
Alam niya na hindi nagustuhan ni Hana ang tabas ng dila ni Azrail sa sinasabi nitong Manang Teba. Di rin niya alam kung matutuwa ba siya or hindi sa reaksyon nito. Wala din naman silang magagawa kasi alam niya na ang bagong amo nila ay si Azrail na at nasanay na siya na ang mga taong kagaya nito ay may pagkawalang galang talaga. Nadismaya lang siguro ang kaibigan dahil sa pag aakala nito sa lalaki.
Tahimik lamang sila ni Hana sa pagsunod kay Azrail-sama habang ito naman ay nagpapaliwanag sa mga bahay bahay dito sa nayon na ito. Nakakamangha lang kasi kahit maliit lamang ang nayon na ito ay kitang kita na hindi kapos sa pangangailangan ang mga residente sa lugar.
Napansin din niya sa mga mata ng mga residente na nakikita si Azrail-sama ang paghanga, pagkatuwa at pasasalamat nila rito.
"Manang Teba! Manang Teba!" Biglang sigaw nito sa tapat ng isang malaking bahay sabay katok sa pintuan.
Nang parang wala atang tao na nakatira, akala nila na susuko na ito at ipagsasabukas nalang nito ang pagbisita. Nang...
"Hoy Tanda buksan mo ito alam ko nandiyan ka lang! Hoy!" sumigaw at biglang nalang nito kinatok ang pintuan ng sobrang lakasz.
Nabigla silang magkaibigan at parang hindi na nakatiis si Hana at pinigilan na nito ang lalaki. Ayaw talaga ni Hana ng mga taong hindi magalang sa nakakatanda. Kaya palagi silang palipat lipat ng bahay na pinagsisilbihan.
BINABASA MO ANG
The Necromancer
Fantasy"Moving on doesn't mean you forget about things, it just means you have to accept what happened and continue living." Nanalo sa lotto pero namatay din si Ando Teran at ang kanyang buong pamilya dahil sa mga magnanakaw. Akala niya na tatanggapin na...