Azrail William Price
Aalis na sana sila Azrail para subukang ibacktrack ang dinaanan nila nang maramdaman ni Azrail na gumalaw ng kaunti ang isa sa dalawang mga bantay ni Lelphi.
Dahil sa nangyari kay Manang Teba ay hinding hindi na ibaba ni Azrail ang kanyang bantay. Isang aral na dadalhin niya araw araw.
Akala nila nahimatay na ang mga ito at matagal tagal pa itong magigising. Pero hindi na niya muling hahayaan na mangyari ulit ang pagkakamali niya.
Maingat niyang binitawan si Hana at mabilis na kumilos sa gawi ng bantay. Wawasakin na sana ni Azrail ang bungo ng lalaki gamit ang sariling mga kamao nang tumigil ito ilang sentrimetro sa bungo nito.
"Sorry." Hinging paumanhin ni Greg. Napansin din ni Azrail na may mahinang ilaw na lumalabas sa bandang dibdib nito.
Napansin din ito ni Azrail kay Ronald na natalo niya kanina na ngayo'y nakatali na sa labas at walang malay.
Ngayong malapit lang siya ay nakita niyang parang may nakabaon na kristal sa dibdib nito.
Nagulat siya nang nakita niyang mula sa dulo ng paa nito pataas ay unti unti itong nawawala at nagiging abo.
"Ayaw man namin ang ginagawa namin, pero bilang retainer niya hindi namin kayang lumabag sa utos niya. Kahit pilitin namin ang aming mga katawan, ang kristal na nakabaon sa katawan namin ay nag uudyok sa amin na gawin ang utos ng aming panginoon kahit labag ito sa aming kagustuhan." Paliwanag nito sa kanya kahit hanggang baywang na nito ang nawala dito.
Kahit galit si Azrail sa kanila, ngayong nasagot na ang katanungan sa kanyang isip na kung bakit kahit ayaw nito ang ginagawa ay ginagawa pa rin nila ang mga ito.
"Anong nangyayari sayo? Paano ako makakatulong?" Napansin din niya na unti unti ding naglalaho ang kasamahan nitong si Dan.
Magrereklamo na sana si Vaj, na dapat na silang umalis pero nanghihina na pinigilan ito ni Hana.
"Napakabuti mong bata, Azrail-sama. Sana lumaki ang anak ko na kagaya mo, pero ito ang tadhana ng mga retainer." Ngumiti ito sa kanya. "Kapag nabigong iligtas namin ang aming panginoon ay kasabay din namin itong mamamatay."
Napabuntong hininga ito at mapayapang tinanggap ang katapusan niya.
Bago ito tuluyang nawala ay may huli itong sinabi.
"Hindi ko pinagsisihang naging retainer ako ni Lelphi-sama, napakain at napaaral ko ang aking anak at nabigyan ko nang hanap buhay ang aking pamilya." Humarap ito sa kanya. "Pasensya, kung may pinagsisihan man ako, ito ay dahil may nadamay akong inosenteng buhay upang matupad ko ang pangarap ko para sa aking pamilya. Azrail-sama, sana... sana... ipinanganak kami sa nayon niyo. Siguradong magiging masaya ang pamilya ko."
Tuluyan na itong nawala.
Tumayo si Azrail at lumapit kina Vaj at Hana. Tinulungan na niya ang mga kasamahan para makaalis na sila dito.
"Azrail... sa-"
"Hana, huwag pasaway, okay lang ako." Hindi na alam ni Azrail kung ano ang tama sa mali. Ngayong nandito na siya sa sitwasyon ng napapanuod niyang mga teleserye dati ay iba pala talaga kung sa totoong buhay ito mangyari.
BINABASA MO ANG
The Necromancer
Fantasy"Moving on doesn't mean you forget about things, it just means you have to accept what happened and continue living." Nanalo sa lotto pero namatay din si Ando Teran at ang kanyang buong pamilya dahil sa mga magnanakaw. Akala niya na tatanggapin na...