XIII. Condolences

485 52 0
                                    

Azrail William Price

"Pwede na tayong umalis dito, babalikan ko lang si Manang Teba." Plano ni Azrail na ilibing si Manang Teba sa Sementeryo sa nayon katabi ang puntod ng pamilya nito.

Kaya naman niya itong balikan dahil wala ng problema sa kweba, pwede niyang sundan ang amoy nito para makuha niya ang bangkay nito.

"Azrail-sama," Pukaw nito sa atensyon niya. "Pwedeng ako na lang ang kumuha sa bangkay ni Manang Teba?"

Maliban sa nakakagulat na pakiusap nito ay parang mas lalong naging magalang ang pakikitungo nito sa kanya, nakakakilabot.

"Uhm," Napahawak si Azrail sa kanyang batok. "Bakit?"

"Kukunin ko lang po ang Hercules Sword ni Lelphi." Sabi ni Vaj, nang makita ni Vaj ang kaguluhan ulit sa mukha nito ay pinaliwanag niya ito. "Ang totoong pangalan ng Hercules Sword po ay Blade of Life. Ang item na ito ay para sa Retainer: Wrath. Makakatulong po ito na mas lumakas ang kapangyarihan ko. Ang totoo po kasi nitong gamit ay ang paggamit at pagpapalakas sa lahat ng class."

Napalaki ang mata ni Azrail na ikinangiti ni Vaj.

"Napagkamalan lang po ito ng karamihan na nagpapalakas lang ito ng class dahil sanay lang ang isang tao sa class na meron sila kaya hindi nila ito napansin at nadiskobre."

Napatango na lang si Azrail sa mga tinuran nito.

Umalis na si Vaj nang malimutan niyang itanong kung papaano nito matutunton si Manang Teba, pero siguro may paraan iyon kung confident itong umalis nang mag-isa.

Ngayong siya na lang mag isa ay doon lamang siya nagpakita ng kapaguran at kahinaan.

Malalim siyang huminga at hinay hinay na pinakawala ang pigil na hininga.

Alam niyang matatagalan pa si Vaj ng ilang minuto kaya iniyak niya muna ang lahat katabi ang nakahigang si Hana.

Kanina niya pa ito pinipigilan dahil gusto niyang maging malakas sa presensya ni Vaj.

Nung nawalan siya ng mga magulang, kahit hindi man niya aminin ay gusto niya na may taong magpapakatatag para sa kaniya.

Maganda sa pakiramdam na may taong malakas sa iyong tabi, may mapagkukunan ka ng lakas.

Announcement!

Retainer: Wrath claims the Hercules Sword. Due to being a retainer of the Job: Necromancer, Hercules Sword reverts back to its former form, Blade of Life.

Isa pa ito sa dapat niyang matutunan pero sa ibang araw na lang niya ito bibigyan ng pansin.

Pinakalma at inayos niya ang sarili upang mawala ang bakas na umiyak siya.

Ilang sandali lang ay bumalik na si Vaj na karga si Manang Teba at may espadang nakatali sa likod nito.

"Ako na ang kakarga kay Manang Teba." Tinuro niya ang posisyon ni Hana. "Ikaw na bahala sa kanya."

Napatango si Vaj at ibinigay si Manang Teba kay Azrail. Lumapit ito kay Hana at kinarga ito ng banayad.

Naglalakad sila papunta sa labasan nang marinig nila ang hiyawang papasok sa kweba.

"Anak! Vaj! Hana! Manang Teba!" Galit na tawag ng papa ni Azrail na si Liam. "Lelphi kapag nakita kitang gago ka mapapatay kita!"

Hindi nagtagal ay may nakita si Azrail sa dulo ng tinatahak nilang daan, ang ilaw galing sa apoy.

Kalaunan ay nakita niya ang pigura ng papa niya at ang ilan sa mga residente.

Hindi na nila tinawag ang pansin ng mga ito dahil makikita rin sila nito at pagod na rin sila emotionally para tawagin ito.

The NecromancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon