XX. Entrance Exam

432 45 2
                                    

I decided na icontinue ang second pov for challenge and self improvement if meron ahahha

Azrail William Price

"Mag-ingat kayo Azrail-sama!" Paalala ni Leonard bago sila ihatid ni Hans sa eskwelahan.

Ngayon ang entrance exam ng Sias Academy.

Ang akademyang ito ay nagtuturo sa mga warrior, mage, at knight magician.

Sikat ang akademya sa mga estudyanteng produkto nito gaya ng Hari na si Claude.

Si Claude ang pinakamalakas na Water Mage sa kabubuan ng Sias.

Marami pang mga tagapagmana at mga heroes na galing sa eskwelahan na nagbigay ng malaking kontribusyon sa teritoryo.

Napansin ni Azrail na sa pagbyahe nila, marami ding mga karwahe na sumasabay sa kanila.

May simple at magagarang disenyo ang mga ito. May mga insignia din ang iba dito na nagsisimbolo ng kanilang pamilya.

"Salamat Hans!" Paalam ni Azrail nang ipara na nito ang karwahe sa isang malaking gate.

Ang sakop ng gate na ito ay napakalaki. Kung may ihahalintulad man siya dito ay kasing laki nito ang kalahati ng bagong Price Village.

Pumasok sila kasabay ang iba't ibang estudyante.

Lumapit sila sa pinagkukumpulan ng ibang estudyante. Nakikita ni Azrail ang board na pinagkukumpulan nito.

"Azrail-sama, maghintay na lang tayo na makaalis sila." Suhestiyon ni Vaj nang makitang mahihirapan sila na makalapit sa board dahil sa mga naunang estudyante.

Hindi na kailangan ni Azrail na isiksik ang sarili sa mga estudyanteng ito para makita ang nakasulat dito.

Pinokus lang niya ang mata sa board at nabasa niya na ang nakasulat.

Sasabihan na sana niya si Vaj na nabasa na niya at ipagbigay-alam kung saan sila dapat pupunta nang may isang lalaking sumigaw.

"Hey! Make way for Charles-sama!" Anunsyo ng isa estudyante na sinesenyasan ang mga taong magbigay ng daan para sa lalaking nasa likuran nito.

Si Dickinson, na mahinahon na naglalakad. Kung makaasta ito ay parang pagmamay-ari nito ang daan.

Kinalabit siya ni Vaj at itinalikwas ang ulo sa direksyon kung saan sila pwede makaiwas kay Dickinson.

Nagkibit balikat na lang si Azrail dahil tama naman si Vaj. Mas magiging matiwasay ang entrance exam nila kung hindi sila makikita ni Dickinson.

"Doon tayo sa building na iyon," Sabi ni Azrail sabay turo sa ikadalawang malamansyong building ng eskwelahan. "Doon tayo magte-take ng exam."

"Hi!" Bati bigla ng isang babaeng estudyante nang makapasok sila sa building. "My name is Crystal!"

May itim ito na buhok at may pares ng itim din na mga mata.

Kitang kita sa porma nito na galing ito sa mayaman na pamilya.

Nagulat man ay nagpakilala na din sila ni Vaj sa babae.

The NecromancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon