I would like to dedicate this chapter to soul_puppet for always voting and also to my friend user14075520 grabeng support 😂😂😂
Vaj
"Ako na ang bahala sa kabilang kuta. Kayo ni Vaj at ng SAFS na ang bahala sa isa." Wala namang nagreklamo dahil alam ng mga residente kung gaano kahalimaw ang Village Chief nila. Lalong lalo na siya na palagi nitong nakakasparring.
"Pa, dalhin mo na lang din si Celd at dalawa sa SAFS mas mabuti na rin na may tutulong sayo kung sakali man na kailanganin mo ng extrang mga kamay para sa mga nabihag na residente." sabi ni Azrail.
"Sige mag-iingat kayo hindi biro ang maari niyong makalaban. Anak, ano ang turo ko sayo na dapat hindi mo makakalimutan?" batid ang pag aalala sa mga mata nito.
"Maawa sa kalaban." napatitig lamang ang ama nito sa anak na parang gusto nitong tirisin ang anak sa pagbibiro nito "Oo na, kahit mahina huwag maliitin dapat palaging mag ingat."
Napanatag naman ang ama nito sa sinabi ng anak. Ito ang palaging tinuturo sa kanila ni Liam sa kanila. Huwag maliitin ang kalaban o kung sino man kasi kahit daga pwede mapatumba ang elepante.
Bago umalis ang dalawang grupo ay pumunta muna sila sa bahay upang tiyakin ang kaligtasan ng pamilyang Price at ng mga taong sugatan. Nagbigay din ng anunsyo at kasiguraduhan si Liam sa mga residente na ililigtas nila ang mga nadakip na mga pamilya at mahal sa buhay ng mga ito.
Papaalis na sana sila ng biglang lumapit at umiiyak ang kambal. Sa unang pagkakataon natanggihan nila ang mga bata. Masakit makita silang umiiyak at ang pigil na luha ni Alaiza sa kanila pero dapat unahin muna ang buhay ng mga nadakip na residente. Lalong lalo na si Hana.
Napakamakasarili man pakinggan pero si Hana ang pinaka priority niyang iligtas. Sa nagdaang mga taon, alam niya kahit ilang beses siyang magbulag bulagan at magbingi bingihan sa sinisigaw ng puso niya. Nandiyan pa rin ang pagmamahal niya sa dalaga. Kahit alam niya na mahal nito ang among si Azrail.
Ililigtas ka namin Hana, Pangako iyan!
Naghiwalay na ang dalawang grupo papunta sa mga kuta ng mga kalaban. Ang sinabing kuta ay nakalugar sa kanlungan at silangan na bahagi ng nayon at malayo layo din ang distansya ng mga ito sa nayon gaya sa border sa gubat na nasa hilagang bahagi ng nayon.
Maraming mga bagay na wala pang kasiguraduhan gaya ng kung hiwahiwalay ba ang mga bihag o di kaya nasa isang kuta lang sila, at kung sinu sino ang mga nagbabantay dito.
Nababahala siya dahil alam niya na may mage, warrior at knight magician na sangkot at di nila alam kung paano sila hinati sa dalawang kuta.
"Vaj, huwag ka masyadong mamoblema. Ililigtas natin sila Hana, Manang Teba at ang iba pa." Tumatakbo sila papunta sa patay na kweba o sa tinatawag ni Azrail na Death Cave, sa silangang bahagi ng nayon dahil sa mga halimaw na mga kalansay na namamalagi dito.
Ilan daang taon na ang nakakalipas ng ang teritoryo ng Sias na ngayo'y Syudad ng Sias na ang tawag ay bumuo ng isang batalyon para makuha ang kapangyarihang nakatago dito, sa pag aakalang isa itong Dungeon pero sa kasawiang palad ay wala silang nakuha na Dungeon Item pagkatapos nilang magapi ang napakalakas na Dungeon Master nito. Sa lakas na Dungeon Master, hindi sila naniwala na wala itong makapangyarihan na Dungeon Item o kahit ano mang kayamanan pero sa ilang buwan nilang pag ikot ikot sa walang katapusan na maze ng kweba ay napagtanto nilang wala talaga.
BINABASA MO ANG
The Necromancer
Fantasy"Moving on doesn't mean you forget about things, it just means you have to accept what happened and continue living." Nanalo sa lotto pero namatay din si Ando Teran at ang kanyang buong pamilya dahil sa mga magnanakaw. Akala niya na tatanggapin na...