Azrail William Price
Nang matamaan ni Azrail ang espada ng kalaban ay nakaramdam siya ng kaba. Hindi para sa kanya kundi para sa mga kasamahan.
Alam niyang malakas siya pero ang lalaking nasa harapan niya ay kahit papaano ay nakakasalag sa kanyang tira, kaya napakadelikado ito para sa mga kasamahan niya.
Doon lang niya nakompirma ang masamang kutob ng isigaw ni Hana ang pinangangamba niya.
"Azrail-sama may dungeon item si Lelphi umalis na kayo!" Alam nila kung gaano kalakas ang maibibigay ng dungeon item sa may ari nito kahit isa pa itong low grade na dungeon item. Kaya kahit na sino man na makakapagmay ari nito ay minsan kinakatakutan.
Huli na ang babala nito nang maabot na nila Vaj ang dalawa sa mga mandurukot at bigla silang napatilapon.
Pero ang nakakapagtaka ay napatumba ng kasamahan namin ang isa sa tatlong nagbabantay nina Hana.
Napatingin naman siya sa kalaban niya na bakas din ang pagkagulat sa mukha. Napataas naman ang kilay ni Azrail. Bakit gulat na gulat itong gagong ito?
"Insolent! You dare destroy our deal you mongrel!" Sigaw ni Lelphi. Azrail must say, akala niya talaga na mataba ang Lelphi na ito dahil isa itong maharlika pero putok sa muscle ang gago at kasing laki ng gorilla ang pangangatawan nito. Mas matanda din ito sa ama niya."Ha! Maybe you don't understand what I'm saying since you're all just some stupid country bumpkins!"
Hindi niya ito pinansin at tinuon ang buong lakas sa espadang dala at binigyang distansya ang sarili sa kalaban. Titira na uli sana siya nang biglang sumigaw si Vaj.
"Hana!" Napatingin naman siya at para siyang nanlambot nang makitang hawak nang dalawang bandido sina Hana at Manang Teba at may espadang nakalagay sa kanilang leeg. Ang tatlong nakatali na bihag ay nasa likod ng mga ito.
Dahil sa maliit na distraction na iyon ay na out of balance siya at malapit niyang hindi masalag ang espadang hahati sana sa kanya sa dalawa.
Sa sandali din iyon ay sumugod din si Vaj patungo kay Hana pero tinigil nito ang sarili nang makitang may konting dugo na biglang lumabas sa bandang leeg ni Hana kung saan nakaharang ang espada.
"Sige lumapit ka at nang tuluyan naming patayin ang babaeng ito." Nakangiting wika ni Lelphi. "Since you guys are here, there's more hostages for me then."
Napatiim bagang si Vaj at ang mga kasamahan nito. Umatras din ang isa sa mga kasamahan niya na nakapatumba sa isa sa mga kalaban.
"Drop your weapons," Tumigil sa pagsasalita si Lelphi at nanunuksong ngumiti sa kanila. "Ay mali hindi niyo ako naiintindihan, uulitin ko, ibaba niyo na ang mga sandata niyo. Maliban sa hawak namin ang buhay ng mga ito ay hindi niyo kami kaya. Nasa akin ang Dungeon Item na Hercules Sword, ang espadang ito ay nagbibigay ng isang daan -ay hindi- dalawang daang persyento na higit pa sa kapangyarihang taglay nang may-ari kaya sumuko na kayo!"
Tumawa ito gaya ng isang kontrabida sa teleserye. Napaarko ang kilay niya sa narinig.
"Azrail-sama umalis na kayo hayaan mo na kami iligtas niyo ang mga sarili niyo. Vaj, please umalis na kayo." Naluluhang pakiusap ni Hana sa kanila.
"Apo, makinig na kayo kay Hana umalis na kayo. Iligtas niyo ang nayon." Nakangiting pagsang ayon ni Manang Teba.
Tumango din at pilit na ngumiti din ang tatlong babaeng bihag ng mga bandido. Mas importante para sa kanila ang nayon, ang tahanan ng kanilang pamilya. Alam nilang maililigtas ulit ito ng Village Chief nila, si Liam.
"Pero Han-" Naudlot na reklamo ni Vaj.
"Walang aalis! Gagawin namin kayong dagdag sa bihag para makuha ko na ulit ang nayon ko!" Pagalit na sigaw ni Lelphi.
BINABASA MO ANG
The Necromancer
Fantasi"Moving on doesn't mean you forget about things, it just means you have to accept what happened and continue living." Nanalo sa lotto pero namatay din si Ando Teran at ang kanyang buong pamilya dahil sa mga magnanakaw. Akala niya na tatanggapin na...