XVII. Trouble

459 49 1
                                    

Azrail William Price

Usually when a person hear about child trafficking, a normal person's reaction would be angered.

But not Azrail.

Kahit siya naninibago sa reaksyon niya. Kung nangyari ito sa kanya nuong Ando Teran pa siya, siguro matataranta na siya sa gagawin.

Not this time though. Siguro dahil mas focus na siya sa priority niya which is his family then the village.

These kids are nothing to him but it doesn't mean na wala na siyang konsensya.

So he will save them.

Tumayo na siya at umalis sa restaurant.

Napangiti siya dahil narinig niya si Vaj na sumusunod sa kanya.

"Azrail-sama." Tawag ni Vaj pero alam ni Vaj na hindi ito makikinig sa kanya kaya wala na siyang pagtutol sa ano mang gagawin nito. Tumawag lang siya for respect, para sabihi kay Azrail na nandito na siya sa tabi nito.

Bilang retainer, mas napalapit at nakilala nila ang isa't isa. Kaya alam na alam ni Vaj kapag may gagawin na kalokohan ang amo niya.

Kahit nakapikit pa ang mata niya.

Narinig ni Azrail sa mga kalalakihan kanina na may malaking hawla ito sa isa sa mga abandonadong bodega dito sa syudad.

Ginamit niya ang mga wraiths para mas madali itong mahanap.

Mahinahon lang sila na naglalakad sa abalang daan ng bayan ng Meilan. Hindi mapagkakamalang may sasabotaheng plano ang mga ito.

Nakita niya sa pamamagitan ng mga mata ng isa sa mga wraith ang bodegang hinahanap.

Malayo ito sa kabahayan ng syudad at napapalibutan ng mga puno.

May mga 20 na bata sa loob ng isang hawla. May tatlong warriors ito na bantay sa harap ng pinto at dalawang mage, fire and earth, na nakatago sa likod ng bodega.

Nalaman niya ang mga class nito dahil sa tulong na mga game-like na mga transparent box ni Crown.

Walang mga knights na gaya sa mga napapanuod niyang mga korean nobela or bantay na gaya sa nayon nila Azrail sa syudad ng Mayla, pero may mga mandatory daily request ang mga adventurers galing sa namamahala sa syudad na magbantay at maayos ang kaseguridad ng lugar.

At dahil tapos na ang rounds at duty ng mga ito ngayong gabi ay wala ng mga bantay.

Good for him.

Bad for them.

Naaawa na siya sa mga child traffickers dahil walang mga bantay na makakarinig sa mga daing at ungol ng mga nito, dahil dadaan muna sila mga kamay ni Azrail.

"Let the show begins!" excited na sabi ni Azrail, habang si Vaj ay Napabuntong hininga na lang.

Sa ilalim ng gabi, may isang batang lalaki na umiiyak sa loob ng hawla sa isang abandonadong bodega.

"Mama! Mama!" Iyak ng batang lalaki.

"Tumahan ka na nga Migs! Wala na ang mama mo ibinenta ka na niya!" Sigaw ng kababata nitong babae.

Napatahimik si Migs, ang batang lalaki, dahil sa sinabi ng kababata. "Teres hindi iyan totoo!" sabay kagat sa labi para mapigilan ang iyak nito.

Sa lahat ng bata na nandito ay siya lang ang kanina pa umaatungal ng iyak. Habang ang ibang bata ay umiiyak lang ng tahimik o di kaya tinanggap na lang ang kapalaran nito.

Hindi na lang ito pinansin ni Teres dahil kahit bata pa siya alam niya iniwan sila ng mga ito.

Gusto man sabihin at ipamukha ni Teres kay Migs na totoo ang sinasabi niya, ngunit hindi na lang niya ginawa dahil alam at nakita nilang dalawa ang pagbigay ng mama nito sa sariling anak sa mga taong ito.

The NecromancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon