III. Vaj & Hana

673 54 2
                                    

Azrail William Price

Hindi mapigilan ni Azrail na matawa sa ama pero naiinis din siya dahil may punto din ito.

Habang naglalakad ay binabati siya ng mga taong napapadaan sa kanya pero tinanguan lang niya ito na may kasama na isang maliit na ngiti.

Hindi dahil sa may attitude problem o nagmamayabang siya pero dahil nahihiya siya. Sa unang buhay niya kahit mapatambay man iyan o malasenggero pa ay nakakausap niya.

Pero ngayon sa bagong buhay niya naawkwardan siya dahil ang bati sa kanya ng mga tao ay "Azrail-sama" with matching yuko pa.

Ang mundo nang Terah ay may kaparehong aspeto ng unang mundo niya gaya ng lenggwahe at iba pa. Kasama na dito ang custom nito. Dito kasi may mga suffixes na karugtong ang mga pangalan ng mga tao dito base sa katayuan, -san/-sama/-dono, at pagkaclose ng mga tao, -chan. Pero kung kakilala mo ito at close na close ang dalawa ay pwede nang walang suffixes pero depende rin sa situation.

Alam naman ni Azrail na anak siya ng village chief pero "anak" lang siya ng village chief hindi naman sila mayor o may ari ng lupa, sort of.

May isang beses na sinabi niya ito sa mga mamamayan nila, na Azrail nalang sana ang itawag sa kanya, pero tinanggihan lang siya ng mga residente dahil dapat daw silang magbigay galang sa pamilya na nagligtas sa kanila sa kapamahakan sampong taon nang nakakaraan.

Dati kasi ang ama niya, kasama ang kanyang ina, ay napadaan sa nayong ito na ginugulo ng isang malaking halimaw at pinugsa ito ng kanyang ama.

Dahil sa laki ng utang na loob ng mga residente sa kanya ay nahiya sila dahil wala silang maibigay na pabuya sa tagapagtanggol nila dahil matagal na daw na walang namamahala sa lugar nila at malapit na din silang lumipat ng matutuluyan dahil halos wala ng kwenta ang lugar, wala na kasing resources na pwede paganahin sa lugar.

Pinabayaan kasi sila ng dating namamahala dito ng isang taon na.

Dahil may hero syndrome ang kanyang ama at naawa naman ang kanyang ina ay tinulungan nila ang nayon kaya nang gumana ang agrikultura at napaliwanag nila ang nayon ay napagpasyahan ng mga residente na gawing Village chief ang kanyang ama.

Ayaw man ng ama niya ang posisyon, dahil gusto lang niyang mamuhay ng mapayapa kasama ang pamilyang bubuuin nilang mag asawa, ay wala na siyang magawa dahil natatakot itong bumalik ang nayong tinulungan niya sa bangungot na kalagayan nito dati. Kaya tinanggap nalang ng kanyang ama ang posisyon.

Kaya ang dating Lelphi Village ay pinangalanang Price Village. Ang kwento kung paano nakapangalan sa kanilang pamilya ang nayon na ito.

Sa unang pagkakataon ay susubukan niyang makipag usap sa mga residente para pag uwi niya mamaya ay may mapagyabang siya sa ama niya.

Pero bago pa man siya makakuha ng lakas ng loob ng may biglang may nangyari na komosyon sa isa sa mga nagbebenta sa daan.

May isang batang lalaki at isang batang babae na tumatakbo papunta sa dereksyon niya, na may dala dalang hilaw na manok na nakatali at isang basket ng mga prutas. Habang may isang matandang kalbo na humahabol sa mga ito.

"Hoy mga paninda ko!" sigaw ng kalbong matanda.

"Bata tabi!" Sigaw ng batang lalaki sa kanya.

The NecromancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon