Azrail William Price
Bumalik na sila Azrail sa nayon, pagkatapos ng mga experiment na ginawa niya, para sa hapunan nila.
Natutuwa si Azrail dahil bagay na bagay sa kanya ang kapangyarihan niya. Nakakadiri at nakakatakot pero kapaki-pakinabang.
Marami siyang ideya na pwede niya pang gamitan sa kanyang kapangyarihan para sa ikakaunlad ng nayon niya.
Pwede na nga niya palitan sa pwesto ang papa niya para makapagpahinga na ito at ibuhos na lang sa pamilya nila ang atensyon nito.
Bakit hindi pa ibigay ni papa ang posisyon?
Handa naman siya sa responsibilidad.
Sabagay sa edad na 15 pa ang sinasabi nilang adulthood. Ibang iba sa dating mundo niya na sa edad na 18 pa maituturing na adult ang isang tao.
Next year pa siguro.
Bago sila umuwi sa bahay ay dumaan muna sila sa Security Training Area, para makausap at sabay na sila umuwi ng papa niya.
Naglalakad na sila pauwi ng bahay nang iminunkahi ni Azrail ang kanyang solusyon sa problema nila.
Napalingo naman si Liam sa anak. Napakabata pa nito nung sinumulang tumulong ito sa kanya sa pamamalakad sa nayon.
Minsan nga ay mas maganda at kakaiba ang mga suhestiyon nito kaysa sa mga may kaalaman na matanda.
Naantig ang puso niya sa anak dahil alam niya ginagawa ni Azrail ito para sa kanya, para hindi na siya mamoblema at mapagod.
"Anak huwag mo na problemahin iyon." Nakangiti at proud na sabi ni Liam. "Dahil ang mga armor set ng mga bandido ay ibinenta ko sa syudad nung umalis ako para ikansela ang mga orders at ipinaalam ko sa kanila na may masamang nangyari sa nayon natin."
Bigla kasi nawala ang papa ni Azrail ng 4 na araw, 2 araw pagkatapos ng libing. Nang magtanong siya sa mama niya ay sinabing umalis ito para sa mga mamimili sa syudad. 2 araw kasi ang byahe papunta sa syudad at yearly itong bumabyahe papunta sa syudad for 5 days para maibigay ang mga produkto sa mamimili.
Ang nakakapagtaka lang ay kahit kailan hindi siya sinama ng papa niya.
"Sakto lang ba ang perang nakuha niyo mula sa armor set ng ibenta niyo ito?" Baka kulangin, sabagay kung kukulangin huli naman ang pagkompleto sa pader kaya ayos lang na anytime ipatigil muna ito.
"Sobra pa!" Bumulwak naman ito ng tawa na parang proud na proud sa ginawa nito.
"Pa," Tawag ni Azrail kaya napatigil sa pagtawa ang papa nito. "Next year pwede ko na kayong palitan."
Hindi gahaman sa pera si Azrail, namatay na siya dahil diyan. At hindi siya nagpapakita ng kawalang galang sa papa niya.
Gusto lang niya na hindi na ito mapagod at mamoblema sa nayon.
"Nope!" Kalmadong tanggi ng ama.
"Pero-" Pagrereklamo ni Azrail.
"Next year," Tumingin muna ito kay Vaj tapos kay Azrail. "papasok kayo ni Vaj sa Sias Academy at mag-aaral. Mandatory na pumasok lahat ng 15 years old sa academy. "
Nanlaki ang mata ng dalawa.
"Liam-sama," Tumigil ito sa paglalakad at lumuhod sa harap ni Liam kahit nasa gilid sila ng daan. "masaya ako sa lahat ng naitulong niyo sa akin, ni Hana, pero sobra sobra na po ang naibigay niyo sa amin ni Hana. Hindi ko na po alam kung papaano ko kayo susuklian sa lahat ng bagay na ibinigay niyo sa amin."
BINABASA MO ANG
The Necromancer
Fantasy"Moving on doesn't mean you forget about things, it just means you have to accept what happened and continue living." Nanalo sa lotto pero namatay din si Ando Teran at ang kanyang buong pamilya dahil sa mga magnanakaw. Akala niya na tatanggapin na...