Hi! Sorry may mali hahaha, nasa bayan ng Meilan sila Azrail and Mayla City is the first City sa Sias Territory I changed it sa previous chapter thanks!
Azrail William Price
Napahikab si Azrail habang bumabyahe na sila sa isa sa mga syudad sa teritoryo ng Sias, ang Malay City.
Ang nangyari kagabi ay sinolusyunan na ng isa sa mga wraith at ilang skeleton warrior na nakahood ang gumabay sa mga bata papunta sa gatehouse ng nayon. Pagkatapos nila itong gabayin ay babalik na ito sa anino niya.
May sinulat na siya na letter para makapasok sila ng walang hirap at makalapit agad sila sa papa niya.
Dito sa Malay City ay mas kilala bilang The First Gate of Sias.
Dahil karamihan sa mga bumabyahe ay sa Malay City dumadaan dahil hindi masyadong strikto ang pagpasok dito kung ikokompara sa ibang syudad ng Sias.
Habang bumabyahe ay nakikinig lang sila Azrail at Vaj sa kucherong si Hans tungkol sa Sias.
Ang Sias Territory ay nahahati sa tatlong bahagi. The Inner City, the Middle Cities and the Outer Cities.
Ilang daang taon na ang nakakalipas, ang syudad ng Sias, na ngayon'y sentro at nag iisang syudad sa Inner City, ay nakipaglaban upang masakop ang ibang teritoryo.
Pagkatapos ng limang dekada, ay nabuo ang pinakamatibay, pinakamaunlad at pinakamalakas na teritoryo sa pamamagitan ng Treaty of the Six Great Cities. Kung saan nakipagkasunduan ang limang syudad na nasakop ng Sias na may karapatan sa diskusyon ang lider ng limang syudad nito, na ngayon ay nasa Middle Cities.
At sa nakalipas na limang dekada, ay may nadagdag na pito pang maliliit na syudad na malapit sa Middle Cities, na nasa Outer Cities ng Sias. Ito na ang huling grupo ng mga syudad na sinakop ng Sias.
Kahit ang Meilan City na malapit dito kaysa sa nayon nila ay hindi na ginambala ng Sias dahil wala naman itong dungeon na makakapakinabangan.
Kung pagmamasdan ito ni Azrail gamit ang sariling mga mata ay masasabi mo nga na isa itong masagana at maunlad na lugar.
Marami ding mga maliliit na mga paninda na bago pa sa kanyang paningin, kahit sa Meilan ay hindi niya pa nakita.
Naabutan na sila ng hapon nang marating nila ang napakalaking gatehouse na gaya nang sa nayon nila, mas malaki na bersyon nga lang ang nasa harapan nila.
Hindi katulad sa gatehouse sa Mayla ay maraming dapat asikasuhin na identification at mahaba din ang pila pero dahil magiging estudyante sila sa Sias Academy ay hindi sila masyadong nahirapan.
Nasa isa sa mga syudad sa Middle Cities nakalugar ang Academy.
Ang Cnawan City, the city of knowledge. Sikat dito ang mga malalaking library at knowledge ang armas nila.
Strategic plans, history, tales of heroes, territories, and everything you need to know is packed here in Cnawan City.
Just Azrail's kind of place.
Excited siyang puntahan ang mga libraries nito malay niya baka may maisip siya.
"Azrail-sama, hindi niyo naman po pupuntahan lahat ng libraries dito sa Cnawan, di ba po?" Tanong ni Vaj. Alam ni Vaj na pupuntahan ng amo ang lahat ng libraries na nandito, dahil ganyan na talaga ang amo niya. Nagbabasakali lang siya na sa unang beses ay humindi ito.
BINABASA MO ANG
The Necromancer
Fantasia"Moving on doesn't mean you forget about things, it just means you have to accept what happened and continue living." Nanalo sa lotto pero namatay din si Ando Teran at ang kanyang buong pamilya dahil sa mga magnanakaw. Akala niya na tatanggapin na...