Sorry po, nilagnat po ako 😅😅
Siningit ko lang ito because nainspire ako sa support like reads, comments and votes.Thank you!!
P.S. Sorry for the chapter sana ayos lang pagkakatype ko 😅😅Azrail William Price
The following days were uneventful.
Maliban na lang sa malaking balita sa newspaper na bumalik na ang isa sa mga Captain ng palasyo mula sa mahigit isang taon nitong pagkawala.
Walang masyadong ibinigay na inpormasyon sa media si Alexander maliban na lang sa binihag at tinorture siya pagkatapos silang magapi ng kalaban.
Pero ang ulat nito sa kanya bago pa man ito ipinasapubliko ay tinanong siya ng palasyo kung anong nangyari at paano humantong sa ganito ang simpleng pag-iimbestiga lang.
Gaya ng utos niya, ang sinabi lang nito ay ang sinabi niya na ikinaduda ng palasyo pero sa huli ang tinanggap na lang.
Pero ang mas ikinagimbal ng buong Sias ay ang pagbitiw nito sa pwesto bilang Captain ng palasyo.
Kahit ang palasyo ay tutol dito pero wala na silang magawa dahil buo na ang desisyon nitong bimitiw sa pwesto.
Kaya maliban doon ay wala ng nakakapanabik na mga pangyayari.
Ang ginawa lang nila sa buong linggo ay sanayin ang kanilang sarili sa kanilang class at kapangyarihan sa training room ng dungeon sa libreng oras nila.
Makinig sa klase, although hindi siya pumapasok sa mga klaseng nabasa at nalaman na niya.
Sanayin at turuan ang mga tauhan nila sa larangan na nakatoka sa kanila gaya ng pakikipaglaban, pag-eespiya, paggagamot, pag-inventory, at pagtorture.
Meron ding nakatoka sa pagluluto, pagfafarm, paglilinis at iba pa.
Ang iba ay sanay na pero may mga maling akala ang mga ito na kanyang itinama.
At syempre mga rules and regulations.
Si Alexander ang namahala sa manning dahil may iba na kahit may kakayanan sa isang larangan ay hindi angkop sa kanilang pag-iisip ang larangang nakatoka kaya nililipat nalang.
Ito rin ang nagsilbing babysitter at guro ng kambal sa tuwing nasa dungeon ito. Assistant din ang kambal kaya may konting tulong na ibinibigay ang mga ito kay Alexander.
Nakatira na din sa kanila ang kambal. Wala namang sinabi o pagtutol ang mga kasambahay niya.
Buong puso nilang tinanggap ang mga ito.
Sa tuwing papasok sila sa eskwelahan ay siyang pagpasok ng kambal sa dungeon sa abandonadong building na binili niya.
Binili niya ang abandonadong building, at laking tuwa niya na nakadiscount ito dahil na rin sa utos ng hari ng malaman nito ang kanyang ginawa.
Si Kimon ay may mga naririnig siya na kahit ito ang namamahala sa security at control ng lugar at may awtoridad ito na mag-utos ay may mga simpleng bagay na pwede nitong gawin na inuutos pa sa iba.
Nakikita lang niya si Kimon na ito mismo ang gumagawa ng mga bagay-bagay basta nandiyan siya.
Si Vaj naman ay ang nagte-train sa mga tauhan nila at pinayuhan din niya ito na magtanim ng konting takot sa mga tauhan nila. Sa kadahilanan na minsan kailangan kang katakutan bago ka respetuhin.
BINABASA MO ANG
The Necromancer
Fantasy"Moving on doesn't mean you forget about things, it just means you have to accept what happened and continue living." Nanalo sa lotto pero namatay din si Ando Teran at ang kanyang buong pamilya dahil sa mga magnanakaw. Akala niya na tatanggapin na...