Thank you for waiting and reading!!
Vaj
Mainit ang ulo niya.
May kasabihan nga si Azrail na asarin mo na ang lasing huwag lang ang taong walang tulog.
Nagpupuyos man siya sa inis ay responsibilidad niya ang kaligtasan at kaprechohan ng kanyang amo.
Simple lang naman ang gusto ng amo niya, ang ikauunlad ng nayon nila at ang kaginhawaan ng mga magulang nito.
Di man sabihin ng kanyang amo ay alam niya ang gusto nitong gawin at ang mga posibleng plano nito sa syudad.
At dahil dito ang dami tuloy nilang gagawin at marami pang asungot at mga sideline na pumapapel kaya mas dumadami ang mga problema nila, niya.
Nang malaman ng amo niya ang Black Society sa syudad ng Meilan, ay alam niyang dadating ang araw na ito na pati oras ng pagtulog nila ay kukunin nito para magawa ang dapat magawa.
Di man nito sabihin sa kanya ng amo ay alam niya kung anong pakay niya sa organisasyon na ito. Sa ilang taon niyang nakilala ang amo, alam biyang gagamitin niya ang Black Society para makakuha ng inpormasyon at makontrol ang anino ng Sias.
Kahit wala pa ang dungeon item alam niya na magagawa pa rin nitong paikutin ang Sias sa ilalim ng kanyang palad. May kung anuman ang amo niya na hindi niya mawari, parang may alam ito na wala ang iba.
Ngayon sangkot na sila sa mga malalalim na bagay dahil sa makasariling layunin ng amo, Ang itlog ng Bakanuwa at mga internal conflict sa Sias.
May problema pa sila sa kanilang pag eeskwela at ibang estudyante sa akademya.
Kailangan pa nila gumawa ng business permit sa Merchant Guild para may pangkain at pansweldo sa mga tauhan nito.
Kailangan pa nitong mahasa ang pagiging Necromancer.
Dumagdag pa ang prinsipe.
Alam niyang naasar din ang amo niya sa biglaang paghahamon ng prinsipe dahil hindi ito kasama sa plano niya at marami pa silang gagawin.
Matutuwa at mang-aasar sana siya kung may sapat lang siyang tulog pero sadyang hindi niya makukuha ang lahat ng gusto niya.
Sa gagawin na Practice Match ay kakailanganin ng isang approval mula sa isang professor at ang nag-aproba na professor ang magiging referee o tagahusay ng laban.
Responsibilidad nito ang buhay ng dalawang maglalaban.
"Magiging okay lang kaya si Sir Price na hindi ginagamit ang Death Crown?" Nag-aalalang tanong ni Nazrat.
Napatingin naman siya dito, ang pigura nito ay hindi makapakali at mabilis na tinatadyak tadyal ang paa nito.
Natawa naman siya sa pag-aalala nito.
Kung sabagay dapat nga siya mag-alala sa amo baka sumobra ito.
Bagong problema na naman.
"Huwag ka mag-alala," Tinignan niya si Nazrat. "Kung may mangyayari hindi maganda papasok tayo."
Doon naman nakampante si Nazrat.
"Players ready?" Tanong ni Professor Blade, ang referee ng laban.
"Yes sir." Kalmadong sabi ni Prinsipe Tristan.
"Yup." Walang paki na sagot ng amo niya.
Rinig na rinig niya mula sa inuupuan niya ang mga bulungan ng mga estudyanteng nakikinuod.
BINABASA MO ANG
The Necromancer
Fantasy"Moving on doesn't mean you forget about things, it just means you have to accept what happened and continue living." Nanalo sa lotto pero namatay din si Ando Teran at ang kanyang buong pamilya dahil sa mga magnanakaw. Akala niya na tatanggapin na...