XII. Bond

477 48 2
                                    

Azrail William Price

Sasabihan na sana ni Azrail si Vaj na pwede na sila makalabas pero nagulat siya sa nakita niya kay Vaj nang ibaling niya dito ang kanyang mga mata.

May transparent na box sa gitna ng dibdib nito na may sulat.

Vaj Ward has potential to be retainer: Wrath.

Yes or No

Nakalimutan agad ni Azrail ang sasabihin dahil dito.

Vaj Ward? Ito ba ang buong pangalan ni Vaj.

Ngayong nabanggit ang salitang retainer ay naalala niya ang sinabi ni Lelphi.

Ang mga taong may hawak ng mga dungeon item ay may tatlong retainer.

Ibig sabihin totoo nga na naconquer niya ang dungeon na ito at ang kalansay kanina ay ang master ng dungeon na ito.

Inakala ng mga pumunta sa kweba dati na natalo na nila ang dungeon master, kaya wala silang nakuha na Dungeon Item ay dahil dito.

Kung naconquer nga niya ang dungeon, nasaan ang dungeon item niya?

Doon niya naalala na may korona na nahulog kanina.

Nagsimula ang lahat ng ito nang hawakan niya ang korona na iyon, kaya naisip niya na maari na ang koronang ito ang dungeon item niya.

Kinuha niya ang corona kanina. Tinitigan niya ito at gaya ng kay Vaj ay may transparent na box na may sulat ulit ito.

Item: King of the Dead

Ito lang ang nakasulat.

"Wala man lang description or explanation?" Bulong ni Azrail.

Answer:

Item: King of the Dead

Owner: Azrail William Price

Description: Power that draws from the dead and its affliations. It could turn invisible when equip but turns visible when used.

Job Given: Necromancer

Since nagiging invisible naman ito sinubukan niyang isuot ito, and bigla itong nawala. He could feel it pero di niya makita.

Sinubukan niyang tanggalin pero hindi ito matanggal. Natataranta na siya at hihingi sana ng tulong kay Vaj nang makita niya itong malungkot na tinitignan si Hana habang hinahaplos nito ang buhok nito.

Doon lang siya natauhan.

Tinawag niya muna si Vaj para kausapin ito. Gusto niyang ibahagi ang natuklasan niya. Sa nangyari ngayong araw na ito, mas nadagdagan ang tiwala niya kay Vaj.

Kung may mapagsasabihan man siya sa ganitong mga bagay ay si Vaj lang iyon.

"Vaj" Tawag niya dito, naghihintay lang si Vaj na may gawin si Azrail dahil kung tutuusin, pagod na siya sobrang pagod na.

"Vaj, isang dungeon ang kwebang ito at pwede na tayong makalabas." Pasimuno niya. "Naaamoy ko na ang kagubatan at sa tingin ko nandiyan na din sina Papa."

Nagulat man ay naguluhan si Vaj. "Kung ganoon, anong nangyari bakit pwede na tayong makalabas?"

Kahit papaano ay nagbabasa din siya kaya alam niya ang panganib ng Dungeon item.

Sa nabasa niya, may mga dungeon na parang maze at pabago bago ang loob nito maliban na lang kung may espesyal na compass na dala, at ang compass na ito ay nagkakahalaga ng ginto.

The NecromancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon