XIV. New Beginnings

485 49 1
                                    

Azrail William Price

Dalawang linggo na ang nakakalipas ng makauwi sila.

At isang linggo na nang mailibing nila sina Hana at Manang Teba.

Gumawa kasi sila ng isang linggong eulogy para sa dalawa simula nang makauwi sila.

Nagluksa ang buong nayon habang si Azrail at Vaj ay palaging kasama ang umiiyak na kambal sa umaga. Palagi kasi itong umiiyak kapag malapit sila sa ataol na ginawa nina Azrail at Vaj para sa dalawang namayapa.

At sa gabi naman ay umaalis sila sa bahay at pumunta sa kanya kanyang mga lungga upang umiyak at magluksa sa nangyari.

Pagkatapos naman ng libing ay bumalik sila sa kanya kanyang buhay, ngunit may bakas pa rin ng kalungkutan sa bahay.

Kahit ang masiyahin na si Alaiza ay minsang nakikitang umiiyak habang nagluluto sa kusina. Palagi niya daw naaalala ang mga masasayang alaala nila ni Hana.

Sa umaga ay nag-eensayo sila ni Azrail, Vaj at Liam. Mas naging seryuso ang tatlo upang mas maging malakas.

Pagkatapos ay sasamahan nila Vaj at Azrail ang mga bata sa pamamasyal. Naging matamlay kasi ito at wala ng ganang makipaglaro kaya pinapasyal at nagba-bondin sila para maging okay ang kambal.

Pagkatapos nito ay may inanunsyo si Liam ng mga bagay na ikakaunlad ng bayan, sa tulong ni Azrail.

Nagsimula na silang magtayo ng pader upang mapalibutan ang buong nayon.

Kapag na tapos na ang pader ay isusunod nito ang plano ni Azrail na tinatawag na "moat". Pero matatagalan pa ito dahil inuna muna nila ang pader.

Dahil sa nangyari marami ding mga kalalakihan na lumahok sa programa ni Liam, sa tulong uli ni Azrail, na Enhanced Security Training.

Walang pinipili ang training, kahit anong class ay pwedeng sumali. Dahil ayon pa kay Azrail, kahit Villagers may magagawa kung may tamang kagamitan at kaalaman lang ito.

Kaya ngayon ay kasama ni Azrail si Vaj na abala sa pagtulong sa kanyang gumawa ng crossbow.

Wala talaga siyang alam paano gawin pero gamit ng konting physics, common sense at kaalaman ng papa niya ay marami rami na din ang nagawa nila.

Nagbago din si Vaj, hindi na ito masyadong reklamador gaya ng dati sa mga experiment at mga utos niya.

Seryuso na din ito at hindi na masyadong ngumingiti maliban na lang kung kaharap nito ang kambal.

Sa kambal na lang siya tumatawa at ngumimgiti ng malaki.

Lumapit si Clee na may hawak na mga papel. "Azrail-sama! Vaj-niisan! Ito po ang mga ulat sa pader na ginagawa!"

Ibinigay nito ang mga papel kay Vaj. Ngumiti ito ng bahagya at magpasalamat.

Umatras si Clee at yumuko.

"Azrail-sama 50% na po ang natapos sa pader ng mga residente at mga contracted na Earth Mage galing sa syudad." Ulat ni Vaj. "Malapit na din matapos ang eskwelahan na pinagawa niyo para sa mga bata. Ang mga nasirang pananim, kagamitan at mga kabahayan ay malapit na din maayos."

The NecromancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon