Kabanata 10

90 6 0
                                    

Avoid him

Tahimik ako habang pinagmamasdan na ihain ang mga pagkain na kakainin namin. And as I expected marami dun ang egg dishes katulad ng gusto ko. Mas lalo pang tumaas ang kilay ko ng masulyapan ko si Hercules na malaki na ang ngisi habang nakatingin sa akin. Nang umalis yung waiter ay tsaka pa ako nagsalita.

"Ang galing mo talaga ano?" Sarakastiko kong sinabi. He's evil grin is so evident.

"What? Ganito talaga ako mag lunch Sky. I am very expensive." He said and then winked. Ngumiwi ako sa sinabi niya. Napailing na lang ako. At dahil gutom na rin naman ako ay nagsimula na akong kumain.

"Bakit? Ngayon ka lang ba nakakain sa ganito?" He asked in the middle of our lunch.

Mas magarang lugar at mesa pa ang nakainan ko, mas maganda pa dito at yun ay sa loob ng aming mansion sa Spain. Nakakalungkot lang isipan na ngayon ay hindi ko na yun nararanasan dahil isang simpleng babae na lang ako ngayon, mali nagtatago ako bilang simpleng babae.

"Oo." I said. Hindi ko naman kailangang magkwento sa kaniya. He's just a stranger and have a hidden motive. Hindi ko siya dapat pagkatiwalaan.

"Then you should thank me because you now experienced it." He said while smiling.

Hercules is a very funny man, he has full of words, kahit maubusan ka na ng salitang iimikin siya ay hindi nauubusan. Siguro dahil sanay siya sa mga ganitong bagay. Napakaswerte niya dahil kahit biniyayaan siya ng napakagandang mukha ay hindi ito nagiging hadlang sa kasikatan at kayamanan niya. He has good family, nakukuha niya ang gusto niya ng walang kahirap hirap. Samantalang ako papangarapin ko muna, paghihirapan ko muna, I should spend a pail of tears before reaching what I want, before achieving of what I want.

"Tsss.." wala na akong nasabi. Tahimik akong kumain samantalang siya ay panay ang sulyap sa akin.

"Is it taste good?" He asked again.

"Oo namam." Maikli kong sagot.

Natapos ang pagkain namin habang siya ay hindi matapos tapos ang mga tanong about sa pagkain. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba yun para mas makilala ako o sadyang madaldal lang talaga siya.

Nang nasa loob na kami ng kaniyang sasakyan ay sinabi niyang ihahatid niya na ako, nagulat pa nga ako dahil alam niya ang dormitory namin! I never mentioned my address to him!

"Paano mo nalaman ang dorm namin?!" Gulat kong tanong habang nagpapark siya ng sasakyan. Taas kilay niya akong tiningnan.

"I asked Aries." He answered. Ngumuso ako. Aries is the owner of the school, he knows it!

"Tulungan na kita sa paglalagay sa loob." Sabi niya at isinuot ang mask. Hindi na ako nagreklamo dahil pagod na ako para sa araw na ito. Ilang beses na akong tumanggi sa kaniya pero sa huli siya pa rin ang nasusunod. How clever right?

Lumabas ako sa sasakyan at tinulungan na siyang maglabas ng mga pinamili ko. Dalawang kamay niya ngayon ang may hawak samantalang ako ay isa lang. I opened the gates bago pumasok, ramdam ko naman ang pagsunod ni Hercules.

Buti na lang wala si Elli ngayon kaya hindi siya makakapagtanong, ako lang ang tao dahil may pinuntahan din ata ang mga ka board mates namin. Ipinasok ni Hercules ang mga pinamili ko at inilagay sa lamesa.

"Ikaw lang ang tao dito?" He asked while his eyes is roaming around the dorm.

"Wala si Elli, ang ibang kasama naman namin ay may pinuntahan." Sabi ko habang pinagmamasdan siya.

His adam's apple protruded while his eyes is looking at our things. His jaw clenched unconsciously. He is a perfect description of greek god in mount Olympus. With his built and height every girl will shout for his name. Umiwas ako ng tingin sa kaniya ng bumaba siya ng tingin sa akin. Damn! Precious Sky stop looking at him!

"Lock the gates when you're alone." He said. Tumango ako sa kaniya at sumunod ako sa kaniya ng maglakad siya paalis. Tahimik siyang lumabas at lumapit sa kaniyang sasakyan.

"I'll call you Sky this time answer it." He said before he opened the driver seat. Pinaandar niya na ang sasakyan at pinagmasdan ko itong papalayo. I sighed as I lock the gates.

Para akong nanghihina habang papasok sa dorm. Ngayon ko lang naramdaman ang panghihina sa aking tuhod. Napapikit ako ng mariin.

I should stop alright? He's not good for me! He's not part of my plan. Falling in love isn't part of my plan.

Nang dumating ang lunes ay maagap kaming pumasok ni Elli dahil may gagawin pa siya. Elli is very busy right now kaya wala kaming time para mag usap pa. Ako rin naman, marami ng assignment at talaga namang sinisigurado ko na maipapasa ko ito sa takdang panahon.

Pero bago ako pumunta sa first class at dumiretso muna ako sa locker ko para kumuha ng libro. But when I closed my locker I saw Hercules leaning beside me.

"Good morning!" He greeted. Kinabahan na naman ako. I didn't reply his texts but I answered his calls. At hindi ko alam kung bakit mas lumalala itong nararamdaman ko.

"Tigilan mo ako Hercules, busy ako." Malamig kong sinabi at naglakad palayo sa kaniya pero sumunod siya sa akin!

"What? I just said good morning, hindi naman kita kinukulit ah?" He insist. Kumunot ang noo ko dahil ramdam na ramdam ko talaga ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi na maganda ito!

Kaya naman tumigil ako sa harap niya at tinitigan ko siya ng masama, he looked at me confused.

"Pwede ba wala akong time para pagbigyan ka ngayon! At ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na?" Halos isigaw ko ito sa pagmumukha niya.

Damn it! Baka may makakita sa amin dito. Kumunot ang noo niya at lalo pa akong kinabahan ng makita ko ang galit sa kaniyang mga mata sa unang pagkakataon.

"Pinagbigyan mo lang ako kaya sumama ka sa akin nung isang araw?" He asked darkly.

"Ano pa bang ibang dahilan? Hindi mo ako mapipilit sa gusto mo Hercules wag mo akong itulad sa mga babae mo!" Sigaw ko at tinalikuran ko na siya.

Pumikit ako ng mariin habang mabilis na naglalakad. This is the only way to avoid him. It is the right way to avoid him.

To Break the Chains (TCB#5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon